PDLs, prayoridad sa Synod of Synodality

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 642 total reads

Ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) o mga bilanggo ay kabilang sa mga sektor na tinutukoy ng Kanyang Kabanalan Francisco na hindi dapat makalimutan kaugnay sa proseso ng isinasagawang Synod on Synodality ng Simbahang Katolika.

Ito ang ibinahagi ni Diocese of Legazpi Bishop Joel Baylon – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care kaugnay sa napapanahong paggunita ng 34th Prison Awareness week sa bansa kasabay ng Synod on Synodality na isinasagawa ng Simbahang Katolika.

Ayon sa Obispo, bahagi ng panawagan ng Santo Papa Francisco para sa pagsasakatuparan ng Synod on Synodality ay ang pakikipagkwentuhan at pakikipaglakbay sa mga sektor na nakakalimutan na sa lipunan tulad na lamang ng mga bilanggo.

Paliwanag ni Bishop Baylon, bukod sa pagpapadama ng pagmamahal ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkalinga sa mga bilanggo ay mahalaga ring maipadama sa mga ito ang kanilang patuloy na pagiging bahagi ng Simbahan sa kabila ng kanilang pagkakamali na nagawa sa buhay.

“I think this is what Synod on Synodality is all about yung panawagan ng Santo Papa sa atin na yung mga kapatid nating nasa laylayan na tinatawag ngayon, yung mga nakakalimutan na ito ang tinatawag niya tayo na makipagkwentuhan, makipaglakbay sa kanila and ang mga PDLs are exactly the very persons that we are supposed to be dealing with, talking about, hindi lang para magdala tayo ng kalinga, ng pagmamahal ng Diyos kundi para makita natin ang Diyos, para maging Simbahan tayo, para we can assure them that they are also part of the church.” pahayag ni Bishop Baylon kaugnay ng 34th Prison Awareness week.

Samantala, inialay naman ni Bishop Baylon sa mga naglilingkod sa prison ministry ng Simbahan partikular na sa mga bilanggo sa buong bansa ang isang taong anibersaryo ng online program ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na may titulong “Narito Ako, Kaibigan Mo!” na unang natunghayan sa pamamagitan ng livestreaming noong October 13, 2020 na naglalayong maibukas ang kamalayan ng bawat isa sa kalagayan ng mga bilanggo maging sa gitna ng panahon ng pandemya.

“Itong gawain na ito na isang taon na nating ginagawa ay sa kapakanan ng mga kapatid nating mga PDLs. So gusto kong batiin kahit wala sila access sa atin ngayon, maybe ang ilan siguro may pagkakataon o tyansang mapanuod tayo pero para sa kanila itong ginagawa nating ito, itong Prison Awareness Week ay para sa kanila talaga, hindi lang para sa mga naglilingkod at tumutulong sa kanila, so isang pagbati ko sa lahat ng mga kapatid natin na PDLs.” Pagbabahagi ni Bishop Baylon.

Tema ng 34th Prison Awareness Week ngayong taon ang “The Jail / Prison Chaplains and Volunteers: Gifted To Give Love that Restores Life, Hope and Healing to the Prison Community” na layuning bigyang halaga ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga naglilingkod sa mga bilangguan.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan, ang bilanguan ang dapat na magsilbing pansamantalang tuluyan ng mga naligaw ng landas sa lipunan at nararapat na maging daan sa muling pagbabalik ng kabutihan sa puso at isip ng mga nagkasala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 57,948 total reads

 57,948 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 137,136 total reads

 137,136 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 170,581 total reads

 170,581 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 205,879 total reads

 205,879 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 430,057 total reads

 430,057 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top