MSMEs, tututukan ni Isko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 640 total reads

Ibinahagi ni Manila Mayor Isko Moreno na pagtutuunan nito ang pagsasaayos sa mga MSMEs (Micro, Small and Medium Enterprises) na labis naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa alkalde mahalagang tulungang makabangon ang maliliit na negosyo sa bansa upang makabalik ang mga manggagawa na nawalan ng pagkakitaan dahil sa pandemya.

“Ramdam ko ang hirap na dinanas ng milyong manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Paano natin sila ibabangon? We have a plan. And it is similar to what I did in Manila,” bahagi ng pahayag ni Moreno.

Ibinahagi ni Moreno na balak nitong ipatutupad ang ‘Marshall Plan’ tulad ng ginawa ng mga bansa sa Europa sa economic recovery matapos ang World War II.

Kabilang sa mga gagawin ang pakikipagtulungan sa mga Local Government Unit at mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Trade and Industry at Department of Agriculture, Land Bank and Development Bank of the Philippines na babalangkas ng programa para sa MSMEs.

“The other part of the Marshall Plan is giving out loans, through LGUs, using their Mandanas incremental windfall to assist MSME’s through low interest loans. Ang tawag po diyan ay CREATIVE FINANCIAL ENGINEERING or ISKOnomics 102.” said Moreno. (ISKOnomics 101 refers to the 50 percent tax cut on fuel and electricity under the principle of DELAYED GOVERNMENT GRATIFICATION),” ani ng alkalde.

Binigyang diin ni Moreno ang resulta ng Mandanas Ruling ng Korte Suprema kung saan ang IRA (internal revenue allotment) ay nakatakdang tataasan ng 55 percent sa 2022 budget na aabot sa 1.08 trillion pesos o katumbas ng 4.8 percent sa gross domestic product ng bansa kumpara sa 3.5 percent nitong 2021.

Sa tala binubuo ng mga MSMEs ang 99.5 percent sa mga negosyo sa Pilipinas na nagbibigay trabaho sa 63 porsyento sa total workforce.

Sa naturang bilang ang Micro Enterprises ang pinakamalaking bahagdan sa 89 percent (891,044), Small Enterprises sa 10 percent (99,936) at ang Medium Enterprises sa 0.5 percent (41,765).

Bukod pa rito ang 40-percent na ambag ng maliliit na negosyo sa gross domestic product (GDP) ng bansa.

Samantala, sinabi ni Moreno na dapat paigtingin ng mga LGU ang paglalaan ng pondo para sa karaniwang pangangailangan ng mamamayan.

Sa halos tatlong taong pagiging alkalde ng Maynila nagpatayo ito ng mga imprastrakturang kapaki-pakinabang sa mga residente kaakibat ang pagkakaroon ng trabaho sa mamamayan.

Kabilang na rito ang mass housing project tulad ng Basecommunity, Tondominium 1 at 2, Binondominium 1 at 2; Pedro Gil at San Sebastian Residences na kasalukuyang ginagawa.

Bukod sa pabahay pinalawak din ng pamahalaan lunsod ang mga ospital na tumutugon sa krisis pangkalusugan tulad ng 344-bed Manila COVID-19 Field Hospital sa Quirino Grandstand, 10-story Ospital ng Maynila at ang President Corazon C. Aquino General Hospital na itinayo sa Basecommunity compound.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 57,078 total reads

 57,078 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 136,320 total reads

 136,320 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 169,765 total reads

 169,765 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 205,063 total reads

 205,063 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 429,272 total reads

 429,272 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top