Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“Peace without justice does not last”- Bishop Florencio

SHARE THE TRUTH

 5,211 total views

Iginiit ni Military Bishop Oscar Jaime Florencio na hindi magtatagal ang kapayapaan kung hindi ito nakaugat sa katarungan at pananagutan.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon para sa mga uniformed personnel at kasapi ng security forces sa bansa na saklaw ng Military Ordinariate of the Philippines, kasabay ng panawagan sa mga men and women in uniform na gampanan ang kanilang tungkulin nang may integridad at paggalang sa makatao at moral na pamantayan.

Binigyang-diin ni Bishop Florencio na ang tunay na kapayapaan ay hindi maaaring ihiwalay sa katotohanan at pananagutan.

“Peace without justice does not last, and healing without responsibility remains unfinished,” ayon kay Bishop Florencio.

Tinukoy rin ni Bishop Florencio ang patuloy na pagsisikap ng bansa na makabangon at maghilom mula sa mga sugat ng nagdaang mga krisis at mga nabunyag na katiwalian na patuloy nakaaapekto sa buhay at dignidad ng bawat Pilipino.

Ayon sa obispo, mahalaga ang pagkakaisa, subalit hindi ito magiging tunay kung ipagwawalang-bahala ang katarungan at pananagutan.

Aniya, ang pagpapagaling ng lipunan ay hindi nangangahulugan ng paglimot sa mga sugat, kundi ang matapang at tapat na pagharap sa mga ito.

Binigyang-diin din ni Bishop Florencio na ang tungkulin ng mga alagad ng kapayapaan ay hindi lamang ang ipagtanggol ang bansa, kundi ang maglingkod nang may buong katapatan at malinaw na konsensiya.

“As those entrusted with peace and order, your duty is not only to defend the country, but also to serve with integrity and respect for what is morally right,” dagdag ng obispo.

Kaugnay nito, inalala ni Bishop Florencio ang pagtatapos ng Jubilee Year na may temang Pilgrims of Hope, na isang paanyaya sa pagbabago at panibagong simula.

Nilinaw rin ng obispo na ang awa at kapatawaran ay hindi kailanman dahilan upang iwasan ang pananagutan.

“The Jubilee reminds us that mercy does not remove responsibility, and forgiveness does not excuse wrongdoing,” giit ng obispo.

Sa pagsalubong ng Bagong Taon, nanawagan ang obispo ng isang kapayapaang hindi nakabatay sa takot o katahimikan, kundi sa paggalang, katotohanan, at dignidad ng bawat tao.

Hiling din ni Bishop Florencio na patuloy na maging huwaran ng disiplina, pag-asa, at walang pag-iimbot na paglilingkod ang mga uniformed personnel, habang ginagabayan ang bansa tungo sa tunay at pangmatagalang kapayapaan na nakaugat sa katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Move people, not cars

 186,356 total views

 186,356 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 203,324 total views

 203,324 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 219,152 total views

 219,152 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 309,871 total views

 309,871 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 328,037 total views

 328,037 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top