Marian Jubilee Year 2026, inilunsad sa Albay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,711 total reads

Pormal nang inilunsad ng Diocesan Shrine & Parish of Our Lady of Salvation sa Joroan, Tiwi, Albay ang Marian Jubilee Year 2026 na may temang “Hearts Aflame Like Mary”, bilang paggunita sa magkakaugnay na mahahalagang anibersaryo ng pananampalataya at debosyon kay Maria sa lugar.

Saklaw ng jubileo ang 50 taon bilang Patrona ng Diyosesis ng Legazpi, 250 taon ng debosyon sa Mahal na Ina ng Kaligtasan, ika – 50 anibersaryo ng pagtatalaga sa Joroan Church bilang Diocesan Shrine, at ang ika – 50 Canonical Coronation Anniversary ng imahen ng Our Lady of Salvation na nakadambana sa Joroan Church.

Layunin ng Marian Jubilee na muling pasiglahin ang pusong Kristiyano sa pamamagitan ng wasto at mas malalim na debosyon kay Maria na gumagabay tungo sa landas kay Kristo.

Tinuran ng dambana ang pahayag ni noo’y obispo ng diyosesis ang yumaong Bishop Teotimo Pacis na ang tunay na debosyon kay Maria ay hindi nagtatapos sa kanya, kundi nagsisimula sa kanya at humuhubog sa puso ng mananampalataya upang umalab sa pag-ibig kay Hesus.

Sentro ng opisyal na logo ng jubileo ang “Basket of Hearts”, hango sa iconography ng Our Lady of Salvation kung saan iniaalay ng isang anghel ang basket ng nagliliyab na mga puso kay Hesus sa pamamagitan ni Maria.

Ipinapahiwatig nito ang panawagan na maging kawangis ng puso ni Maria na isang mapagpakumbaba, masunurin, at ganap na iniaalay ang sarili sa Diyos upang ang bawat gawain at misyon ng Simbahan ay maihanay kay Kristo.

Kalakip din ng jubileo ang temang “Auspice Maria” o “Sa pangangalaga ni Maria,” na nagpapahayag ng pagtitiwala ng sambayanan sa patnubay at mapagkalingang pag-aaruga ng Mahal na Ina.

Sa diwa nito, hinihikayat ang mga mananampalataya na ialay ang buhay at paglilingkod sa ilalim ng kanyang pangangalaga, sapagkat si Maria bilang Ina ni Kristo at Ina ng Simbahan ay patuloy na namamagitan at gumagabay tungo sa kabanalan.

Inaasahang magiging tampok ng mga pagdiriwang ng Marian Jubilee Year 2026 ang mga banal na misa, prusisyon, debosyonal na gawain, at programang pastoral, bilang patuloy na paanyaya sa mga Bicolano na palalimin ang pananampalataya at pag-ibig kay Kristo sa pamamagitan ng Ina ng Kaligtasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 9,890 total reads

 9,890 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 238,244 total reads

 238,244 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 131,710 total reads

 131,710 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 225,739 total reads

 225,739 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 269,587 total reads

 269,587 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top