Ika-11 taong debosyon ng Jesus Nazareno, gaganapin sa Davao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,653 total views

Inaasahang magtitipon ang daan-daang deboto ng Poong Jesus Nazareno sa Davao City sa pagdiriwang ng ika-11 Fiesta ng Nuestro Padre Jesus Nazareno ngayong January 9, kasabay ng isasagawang maringal na Traslacion Procession at mga banal na misa.

Ayon sa pahayag ng Poong Jesus Nazareno – Davao, magsisimula ang traslacion alas-8 ng umaga mula sa San Alfonso Maria de Liguori Parish sa Mandug patungo sa Our Lady of Peñafrancia GKK Chapel sa DECA Homes Esperanza Tigatto, Buhangin, kung saan nakadambana ang opisyal na replika ng Mahal na Poong Jesus Nazareno.

Pagkatapos ng prusisyon ay susundan ito ng Fiesta Mass alas-10 ng umaga na pangungunahan ni Davao Archbishop Romulo Valles habang mayroong karagdagang misa alas-6 ng gabi para sa mga debotong hindi makadadalo sa umagang pagdiriwang.

Hinikayat ng pamunuan ng kapilya at parokya ang mga mananampalataya na magdala ng kani-kanilang mga imahen ng Jesus Nazareno na babasbasan ng mga pari matapos ang mga misa, bilang pagpapahayag ng pananampalataya at panata.

Ang Our Lady of Peñafrancia GKK Chapel ay nasa ilalim ng San Alfonso Maria de Liguori Parish, Mandug, at patuloy na nagsisilbing sentro ng debosyon sa Jesus Nazareno sa lungsod.

Tema ng pagdiriwang na NAZARENO 2026 ang “Dapat SIYANG itaas, at AKO nama’y BUMABA,” na hango sa Ebanghelyo ni San Juan 3:30.

Ngayong 2026 rin ang ikalawang taon na ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Poong Jesus Nazareno sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 39,597 total views

 39,597 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 164,008 total views

 164,008 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 206,588 total views

 206,588 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 285,135 total views

 285,135 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top