Pagkilala ng Vatican sa patron ng Pila-Pila Binangonan, itinakda sa January 17

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 51,493 total reads

Inaanyayahan ng pamunuan ng Nuestra Señora de los Angeles Parish sa Pilapila, Binangonan Rizal ang mga mananampalataya para sa maringal na pagdiriwang ng pontifical coronation sa patrona ng lugar.

Ayon sa dambana maituturing itong makasaysayan at natatanging sandali ng pananampalataya ang pagpuputong ng korona sa Mahal na Birheng Nuestra Señora de los Angeles – Our Lady of the Lake, La Reina y Madre de Binangonan, na gaganapin sa January 17, 2026.

Sinabi ng pamunuan ng parokya na ang coronacion pontificia ay pagkilalang iginagawad ng Simbahan sa malalim at matibay na debosyon ng sambayanan sa Mahal na Birhen, na sa mahabang panahon ay nagsilbing bukal ng pag-asa, gabay, at pagkakaisa ng kristiyanong pamayanan ng Binangonan.

Isasagawa ang banal na pagdiriwang ganap na alas singko ng hapon na pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown katuwang si Antipolo Bishop Ruperto Santos kung saan inaasahan ang pagdalo ng mga deboto mula sa iba’t ibang panig ng lalawigan at karatig-diyosesis upang makiisa sa makasaysayang pagdiriwang.

Binigyang-diin ng mga tagapangasiwa ng parokya na ang Coronacion Pontificia ay hindi lamang seremonyal na gawain kundi isang panawagan sa mas malalim na pananampalataya at patuloy na pagtugon sa hamon ng pagiging tunay na saksi ni Kristo sa pamamagitan ng mga halimbawa ng Mahal na Ina.

Sa ilalim ng titulong La Reina y Madre de Binangonan, patuloy na kinikilala ng mga mananampalataya ang Mahal na Birhen bilang mapagkalingang Ina at Reynang namamagitan para sa bayan, nagbubuklod sa mga pamilya, at umaakay sa sambayanan sa landas ng pananampalataya at paglilingkod.

Hinikayat ang lahat ng deboto na makiisa sa pagdiriwang bilang tanda ng pasasalamat sa mga biyayang tinanggap at bilang panibagong panata ng pagtitiwala sa mapag-arugang pagkalinga ng Ina ng mga Anghel.

Matatandaang sa kapistahan ng patrona noong October 2, 2025 ibinahagi ni Bishop Santos ang paggawad ni Pope Leo XIV sa pontifical coronation sa imahe.
Binigyang-diin ng obispo na ang pagkilala ng Simbahang Katolika sa imahe ng Mahal na Ina ay magsisilbing gabay sa mga mamamayan, lalo na sa mga naninirahan malapit sa lawa ng Laguna de Bay.

Batay sa tala, nagsimula ang debosyon sa Our Lady of the Angels noong 1892 nang masaksihan ni Teniente Ambrosio Blanco ang isang liwanag at estampa ng Mahal na Birheng Maria.

Mula sa larawan sa estampa ay nilikha ang imahen ni Juan de Plamenco ng Malate, Manila, na inilipat sa isang kapilya sa Pila Pila. Noong 2022, ginawaran ito ng Episcopal Coronation bilang pagkilala sa 130 taon ng debosyon.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 17,513 total reads

 17,513 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 35,892 total reads

 35,892 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 75,703 total reads

 75,703 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 109,830 total reads

 109,830 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 166,236 total reads

 166,236 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top