Kauna-unahang Bamboo church sa Bohol, ilulunsad ng Diocese ng Tagbilaran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 59,017 total reads

Inihayag ng Diocese of Tagbilaran ang planong pagtatayo ng kauna-unahang bamboo church sa lalawigan ng Bohol na isang proyektong nagtataguyod ng pananampalataya at pangangalaga sa kalikasan.

Ayon sa diyosesis, isinusulong ang proyekto bilang tugon sa lumalaking bilang ng mananampalataya ng St. Vincent Ferrer Chaplaincy sa Barangay Cabawan, Tagbilaran City, kung saan inaasahang makapagtitipon ang itatayong simbahan ng hanggang 1,500 katao.

Tampok sa disenyo ng simbahan ang paggamit ng treated bamboo na isang hakbang na binibigyang-diin ng diyosesis bilang pagpapahalaga sa kalikasan at konkretong pakikiisa ng Simbahan sa adbokasiya ng pangangalaga sa kapaligiran sa gitna ng patuloy na pag-unlad.

“More than a pursuit of distinction, the project seeks to let a local faith community speak to the world, showing how faith, sustainability, and innovation can rise together. What makes this project truly extraordinary is its vision to stand as a landmark bamboo church,” ayon sa pahayag ng diyosesis.

Bukod sa pagsagot sa pangangailangang pastoral, nagsisilbi rin ang proyekto bilang paghahanda ng pamayanan bago ang inaasahang pag-angat ng chaplaincy bilang ganap na parokya.

Ang inisyatiba ay pinangungunahan ng St. Vincent Ferrer Chaplaincy sa ilalim ng Diocese of Tagbilaran, idinisenyo ng arkitektong si Erven Digal, at sinusuportahan ng United Bohol Bamboo Advocates, Inc.

Plano ring itampok ang proyekto sa pandaigdigang entablado sa pamamagitan ng pagsusumite nito sa Guinness World Records bilang pinakamalaking bamboo structure ng uri nito.

“Plans are being prepared for submission to the Guinness World Records as the largest bamboo structure of its kind,” ayon sa diyosesis.

Itinakda ang pormal na paglulunsad ng proyekto sa January 4, 2026, na sisimulan sa pagdiriwang ng banal na misa sa mismong project site sa Barangay Cabawan.

Hinimok naman ng pamayanan ng Cabawan at ng buong diyosesis ang mga mananampalataya at mga institusyon na suportahan at makibahagi sa pagpapatupad ng proyekto.

Iginiit ng diyosesis na ang itinatayong bamboo church ay hindi lamang isang istruktura kundi isang sama-samang pangarap ng pamayanan na patunay na ang pananampalataya ay maaaring maging daan sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at sa paglikha ng pamana para sa mga susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 154,195 total reads

 154,195 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 227,025 total reads

 227,025 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 260,473 total reads

 260,473 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 295,772 total reads

 295,772 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 516,260 total reads

 516,260 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top