“Fire-cracker free” sa pagsalubong ng New Year, panawagan ng environment at animal advocates

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 61,798 total reads

Muling nanawagan ang EcoWaste Coalition at ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) para sa firecracker- at fireworks-free na pagdiriwang ng Bagong Taon, upang mapangalagaan ang mga hayop, kalusugan ng publiko, at kalikasan.

Isinagawa ang “Iwas PapuToxic” event nitong December 28 sa isang mall sa Quezon City, tampok ang pet parade na humihikayat sa publiko na iwasan ang maingay at nakalalasong paputok.

Ayon kay PAWS Executive Director Atty. Anna Cabrera, labis na naaapektuhan ng malalakas na pagsabog ang mga hayop, lalo na ang mga aso sa kalsada at alagang nakatali o nasa labas ng bahay.

Sinabi ni Cabrera na mas sensitibo ang pandinig ng mga hayop kaya nagdudulot ang paputok ng matinding takot at stress na maaaring tumagal ng ilang oras.

“In our country, many dogs remain caged or chained outdoors, yet PAWS advocates for them to live inside as true family members. For those who haven’t yet embraced this, we plead: please bring your dogs inside for New Year’s Eve. Outdoor pets are the most vulnerable during the celebrations; they are defenseless against the deafening explosions and toxic fumes. Be compassionate — bring them indoors,” ayon kay Cabrera.

Bukod sa kapakanan ng hayop, iginiit ng mga grupo ang masamang epekto ng paputok sa kalusugan at kapaligiran, dahil sa pagbuga ng toxic smoke, pinong particulate matter, at climate-warming gases na maaaring magpalala ng sakit sa baga, lalo na sa mga bata, matatanda, at may karamdaman.

Ayon naman kay Aileen Lucero, National Coordinator ng EcoWaste Coalition, mas mainam na salubungin ang Bagong Taon sa paraang people-, pet-, at planet-friendly, sa pamamagitan ng mga alternatibong pamamaraan tulad ng tansan tambourines, maracas de lata, kaldero, kawali, at recycled shakers.

Iginiit ng EcoWaste Coalition at PAWS na ang pag-iwas sa paputok ay nakatutulong upang maiwasan ang pinsala, mabawasan ang basura at polusyon, at mailigtas ang mga hayop mula sa takot at trauma—habang nananatiling masaya at makabuluhan ang pagsalubong sa Bagong Taon.

“Instead of dangerous pyrotechnics that can damage human health, inflict trauma and stress on defenseless dogs and cats, and contaminate the environment with toxic smoke and trash, the EcoWaste Coalition advocates for ‘Iwas PapuToxic’ alternatives… that protect humans, our animal companions, and the environment from harm,” saad ni Lucero.

Una nang binigyang-diin ni Cebu Archbishop Alberto Uy na walang ingay o pansamantalang kasiyahan ang mas mahalaga kaysa sa kaligtasan ng tao at ng mga hayop.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 19,114 total reads

 19,114 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 38,763 total reads

 38,763 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 78,423 total reads

 78,423 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 112,551 total reads

 112,551 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 168,956 total reads

 168,956 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 178,641 total reads

 178,641 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top