Paalala ni Pope Leo XIV sa mga opisyal ng gobyerno: “Ang kapangyarihan ay paglilingkod at pananagutan, hindi pananakop

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,692 total reads

Iginiit ni Pope Leo XIV na ang tunay na kapangyarihan ay tapat na paglilingkod at pananagutan, at hindi paniniil, kasabay ng babala na ang demokrasya ay “nanghihina at nagiging pormalidad” kapag hindi pinakikinggan ang tinig ng mahihirap.

Ito ang binigyang-diin ng santo papa sa kanyang talumpati sa pagpupulong ng National Association of Italian Municipalities sa Vatican, na ginanap sa panahon ng Pasko at sa pagtatapos ng Taon ng Hubileyo.

Ayon kay Pope Leo, ang pagpaslang sa mga inosente sa panahon ni Haring Herodes ay malinaw na larawan ng “inhumane power” na binabalewala ang dignidad ng buhay ng tao.

“The killing of the innocents… is a manifestation of inhumane power, which does not know the beauty of love because it ignores the dignity of human life,” ayon kay Pope Leo XIV.

Aniya, ang ganitong uri ng kapangyarihan ay salungat sa diwa ng pagkakatawang-tao ni Hesus na nagpapakita na ang tunay na awtoridad ay nakaugat sa kababaang-loob, katapatan, at pagbabahaginan.

Binigyang-diin punong pastol na ang kapanganakan ng Panginoon ay naghahayag ng tunay na kahulugan ng kapangyarihan, ang pananagutan at paglilingkod na dapat isabuhay ng mga pinuno, lalo na sa antas ng lokal na pamahalaan.

“Without listening to the least and the poor, democracy atrophies, turns into a slogan, a formality,” ani ng santo papa.

Tinukoy rin ng Santo Papa ang mga hamong panlipunang kinakaharap ng mga lungsod sa kasalukuyan, kabilang ang krisis sa demograpiya, paghihirap ng mga kabataan at pamilya, pag-iisa ng matatanda, tahimik na daing ng mga mahihirap, polusyon sa kapaligiran, at mga sigalot panlipunan.

Paalala ng pastol na ang mga lungsod ay hindi lamang estruktura o espasyo kundi “mga mukha at kasaysayang dapat pahalagahan.”

Nagbabala rin si Pope Leo na kapag hindi pinakinggan ang mga nasa laylayan ay nawawalan ng saysay at tunay na diwa ang demokrasya.

Aniya, ang panlipunang pagkakaisa at pagkakasundo ay nakasalalay sa kakayahan ng mga pinuno na magbigay-priyoridad sa kapakanan ng mahihirap at mahina.

“Politics is called upon to weave authentically human relationships among citizens, promoting social peace,” saad ng santo papa.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, hinimok ni Pope Leo XIV ang mga alkalde at lokal na opisyal ng Italya at maging sa buong mundo na magkaroon ng lakas ng loob na maghatid ng pag-asa sa mamamayan at magplano ng kinabukasan mula sa perspektibo ng integral na pag-unlad ng tao.

Ipinagkatiwala rin niya sa panalangin at paggabay ng Mahal na Birheng Maria ang mga pinuno at kanilang pamilya habang ginagampanan ang mabibigat na tungkulin para sa kabutihang panlahat.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 18,405 total reads

 18,405 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 37,543 total reads

 37,543 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 77,236 total reads

 77,236 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 111,364 total reads

 111,364 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 167,769 total reads

 167,769 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top