Tunay na Diwa ng Bagong Taon: “Pananagutan at Pagbabago”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,278 total reads

Binigyang diin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na ang tunay na diwa ng Bagong Taon ay hindi nasusukat sa paglipat ng petsa sa kalendaryo kundi sa konkretong pagbabago ng pag-iisip, pananalita, at pag-uugali ng bawat isa.

Sa mensahe ng obispo sa pagpasok ng taong 2026, iginiit na walang saysay ang pagpasok ng panibagong taon kung nananatiling hindi nagbabago ang puso at asal ng tao na malaking epekto sa pamumuhay sa lipunan.

“Kung hindi tayo magbabago, kahit ilang taon pa ang lumipas, mananatili tayong luma,” ayon kay Bishop Santos.

Tinukoy ng obispo ang tatlong mahahalagang larangan ng personal na pagbabago, ang pag-iisip, pagsasalita, at pag-uugali, bilang pundasyon ng mas maayos na pamilya, pamayanan, at bansa.

Hamon ni Bishop Santos sa mga mananampalataya na unahin ang Diyos sa bawat desisyon at gawain sapagkat ang wastong pag-iisip ang ugat ng mabuting kilos at ugali, at dapat itong nakatuon hindi sa pansariling interes kundi sa kabutihan ng kapwa.

“Hindi tayo tinawag para manlamang, manloko, o magnakaw kahit sa maliliit na paraan. Tinawag tayo para magbigay, magpala, at maglingkod,” giit ng obispo.

Nagbabala rin si Bishop Santos sa publiko laban sa mapanirang pananalita, lalo na sa social media na ayon sa obispo, maraming salita ang nagiging sanhi ng pagkakahati at sugat sa lipunan sa halip na maghatid ng paghilom gaya ng kasalukuyang kalagayang pampulitika sa bansa.

“Magsalita nang totoo. Hindi fake news, hindi tsismis, hindi kasinungalingan,” ani Bishop Santos, kasabay ng paalala na ang salita ay may kapangyarihang maghasik ng galit o magpalaganap ng pag-asa.

Iginiit ng obispo na ang pananampalataya ay dapat makita sa gawa at binigyang diin na hindi sapat ang panalangin at pagsisimba kung hindi ito isinasabuhay sa pamamagitan ng kababaang-loob, paggalang sa batas at kapwa, at kusang-loob na paglilingkod.

“Hindi sapat ang dasal kung hindi nakikita sa asal. Hindi sapat ang misa kung hindi nakikita sa buhay,” dagdag ng obispo.

Nilinaw ni Bishop Santos na ang panawagan ng Bagong Taon ay panawagan sa personal na pananagutan.

“Hinihikayat tayo ng Diyos sa bagong puso, bagong isip, bagong salita, at bagong buhay,” pahayag ng obispo, gayundin ang paalala na ang tunay na pagbabago ay bunga ng pagmamahal sa Diyos, hindi lamang ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

(with JM Figarola)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 37,709 total reads

 37,709 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 72,031 total reads

 72,031 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 128,437 total reads

 128,437 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 250,135 total reads

 250,135 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top