Edad, hindi kasarian, ang mas nakaaapekto sa pagtupad ng New Year’s Resolutions — Veritas Survey

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 65,993 total views

Lumalabas sa pinakabagong Radio Veritas Truth Survey (VTS) na mas may malaking gampanin ang edad kaysa kasarian sa kakayahan ng mga Pilipino na tuparin ang kanilang New Year’s resolutions.

Isinagawa ang survey mula Disyembre 1 hanggang 25, 2025, na nilahukan ng 1,200 respondents mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa, na may margin of error na ±3 porsiyento.

Ayon sa resulta, 38.3 percent ng mga respondents ang nakatupad ng humigit-kumulang 75 percent ng kanilang mga New Year’s resolution. May 34 percent naman ang nagsabing kalahati ng kanilang mga layunin ang kanilang naisakatuparan. Samantala, 23.4 percent ang nagsabing natupad nila ang lahat ng kanilang New Year’s resolutions, habang 4.3 percent lamang ang umamin na 25 percent lang ng kanilang mga plano ang kanilang nagawa.

Batay sa pagsusuri ng VTS, mas mataas ang antas ng pagtupad sa mga resolusyon ng mga mas nakatatandang respondents, na iniuugnay sa mas malinaw na prayoridad, mas makatotohanang pagtatakda ng layunin, at mas malawak na karanasan sa buhay.

Sa kabilang banda, mas nahihirapan ang mga mas nakababatang edad dahil sa hamon ng trabaho, pananalapi, at mabilis na takbo ng pamumuhay.

Sa aspeto ng kasarian, halos walang makabuluhang pagkakaiba ang kalalakihan at kababaihan sa antas ng tagumpay sa pagtupad ng New Year’s resolutions, na nagpapakita na mas mahalaga ang personal na disiplina at kalagayan sa buhay kaysa kasarian.

Sa mensahe ni Brother Clifford T. Sorita,, binigyang-diin niya ang mas malalim na kahulugan ng New Year’s resolutions:

“Ever noticed how the first morning of January feels different? Not just because the fireworks are gone and the house is quiet — but because somewhere in your chest, there’s a little flicker that wasn’t there on December 31st. It’s the feeling of standing in front of a blank page, pen in hand, and realizing you get to decide what goes on it,” ayon kay VTS Coordinator Bro. Clifford Sorita.

Dagdag pa nito, “That’s what a New Year’s resolution is, really: not a rigid rule you’ll break by week two, but a gentle nudge toward the person you want to become.”

Ayon sa Radio Veritas, layunin ng survey na magbigay ng mas malinaw na larawan ng pag-uugali at pagpapahalaga ng mga Pilipino pagdating sa personal na pagbabago at pagharap sa bagong taon.

Ipinapakita ng resulta ng VTS na bagama’t nananatiling mahalagang tradisyon ang paggawa ng New Year’s resolutions, ang tunay na susi sa tagumpay ay ang makatotohanang layunin, tamang pagpapahalaga, at kahandaan sa pagbabago—lalo na habang tumtanda at humuhubog ang karanasan ng bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanino natututo ang mga bata?

 3,848 total views

 3,848 total views Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 59,940 total views

 59,940 total views Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 123,621 total views

 123,621 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 192,902 total views

 192,902 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 223,141 total views

 223,141 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top