Sa pagsalubong sa 2026: Cardinal Advincula, nanawagan ng Kapayapaang nakabatay sa pagkalinga at pagtanggap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,207 total views

Naniniwala si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na hindi magkakaroon ng tunay na kapayapaan hangga’t may mga sektor ng lipunan na napapabayaan at napag-iiwanan, kasabay ng panawagang itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng malasakit, pagtanggap, at panalangin.

Sa kanyang homiliya sa Manila Cathedral sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos at ng World Day of Peace, kasabay ng pagsalubong ng bagong taong 2026, binigyang-diin ng cardinal na ang kapayapaan ay hindi lamang kawalan ng digmaan o sigalot kundi ang ganap na kabutihan at kaunlaran ng buong pagkatao at ng lahat ng mamamayan.

“Hangga’t may napapabayaan o napag-iiwanan, walang talagang kapayapaan… Peace will reign when humanity cares, when we feel with one another, reach out to one another, and serve one another, especially those who are most in need,” ayon kay Cardinal Advincula.

Paliwanag ng arsobispo na ang mga debateng pampulitika, istruktura, at maging lakas-militar ay hindi sapat upang makamit ang tunay na kapayapaan sa lipunan kundi nagdudulot lamang ito ng labis na pagkakahati-hati lalo na sa ugnayan ng mamamayan.

Sinabi ng cardinal na mali ang makitid na pag-unawa sa kapayapaan bilang katahimikan lamang sapagkat ang tunay na kapayapaan ay regalong nagmumula sa Diyos at hindi kayang likhain ng gawa ng tao lamang.

“Ang tunay na kapayapaan ay biyaya ng Diyos…Prayer is the most fundamental act of peace-building…True peace does not only mean tranquility or the absence of conflict; it is the totality of wellness, the fullness of life’s blessings,” ani cardinal.

Tinukoy ni Cardinal Advincula ang Mahal na Birheng Maria bilang huwaran ng kapayapaan at binigyang-diin ang tatlong birtud na dapat isabuhay ng mga mananampalataya ang ‘hospitality, care, at prayer.’

Hamon ni Cardinal Advincula sa sambayanan na huwag katakutan ang mga “estranghero,” at iginiit na hindi magkakaroon ng kapayapaan kung patuloy na iiwasan at balewalain ang isa’t isa.

“Like the Virgin Mary, may we become agents of peace through hospitality…There will never be true peace if strangers keep avoiding each other. True peace is born of encounter, welcoming, and dialogue,” ani Cardinal Advincula.

Binigyang-diin din ng arsobispo ang kahalagahan ng pagkalinga, lalo na sa mga pinakanangangailangan sa lipunan, kasabay ng paalala na pinili ng Anak ng Diyos na isilang sa payak na sabsaban sa piling ng isang ina upang ipakita ang halaga ng malasakit sa pinakamahihina.

Ayon pa sa cardinal, kung hindi Diyos ang pangunahing kumikilos, ang mga pagsisikap para sa kapayapaan ay mauuwi lamang sa huwad na kapanatagan na tinatamasa lamang ng iilan.

Nanawagan si Cardinal Advincula sa mga pamilya, simbahan, at mga pinuno na maging aktibong tagapagtayod ng kapayapaan sa pamamagitan ng pakikinig, personal na sakripisyo, at konkretong paglilingkod sa kapwa.

“When leaders hear the pleas of their people, when families shelter the homeless; these are signs of hospitality toward building peace,” giit ng arsobispo.

Sa huli pinaalalahanan ni Cardinal Advincula ang mananampalataya na si Hesus ang Prinsipe ng Kapayapaan at ang kanyang pag-ibig at kapayapaan ang handog ng Diyos sa sangkatauhan.

Dalangin ng cardinal na maging mapagpala ang taong 2026 para sa sambayanang Pilipino at mapagtagumpayan ang anumang hamong kinakaharap ng mamamayan at ng bansa upang matamo ang tunay na kapayapaan at kaunlaran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 49,255 total views

 49,255 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 173,666 total views

 173,666 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 215,944 total views

 215,944 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 293,793 total views

 293,793 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top