“Peace without justice does not last”- Bishop Florencio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,287 total reads

Iginiit ni Military Bishop Oscar Jaime Florencio na hindi magtatagal ang kapayapaan kung hindi ito nakaugat sa katarungan at pananagutan.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon para sa mga uniformed personnel at kasapi ng security forces sa bansa na saklaw ng Military Ordinariate of the Philippines, kasabay ng panawagan sa mga men and women in uniform na gampanan ang kanilang tungkulin nang may integridad at paggalang sa makatao at moral na pamantayan.

Binigyang-diin ni Bishop Florencio na ang tunay na kapayapaan ay hindi maaaring ihiwalay sa katotohanan at pananagutan.

“Peace without justice does not last, and healing without responsibility remains unfinished,” ayon kay Bishop Florencio.

Tinukoy rin ni Bishop Florencio ang patuloy na pagsisikap ng bansa na makabangon at maghilom mula sa mga sugat ng nagdaang mga krisis at mga nabunyag na katiwalian na patuloy nakaaapekto sa buhay at dignidad ng bawat Pilipino.

Ayon sa obispo, mahalaga ang pagkakaisa, subalit hindi ito magiging tunay kung ipagwawalang-bahala ang katarungan at pananagutan.

Aniya, ang pagpapagaling ng lipunan ay hindi nangangahulugan ng paglimot sa mga sugat, kundi ang matapang at tapat na pagharap sa mga ito.

Binigyang-diin din ni Bishop Florencio na ang tungkulin ng mga alagad ng kapayapaan ay hindi lamang ang ipagtanggol ang bansa, kundi ang maglingkod nang may buong katapatan at malinaw na konsensiya.

“As those entrusted with peace and order, your duty is not only to defend the country, but also to serve with integrity and respect for what is morally right,” dagdag ng obispo.

Kaugnay nito, inalala ni Bishop Florencio ang pagtatapos ng Jubilee Year na may temang Pilgrims of Hope, na isang paanyaya sa pagbabago at panibagong simula.

Nilinaw rin ng obispo na ang awa at kapatawaran ay hindi kailanman dahilan upang iwasan ang pananagutan.

“The Jubilee reminds us that mercy does not remove responsibility, and forgiveness does not excuse wrongdoing,” giit ng obispo.

Sa pagsalubong ng Bagong Taon, nanawagan ang obispo ng isang kapayapaang hindi nakabatay sa takot o katahimikan, kundi sa paggalang, katotohanan, at dignidad ng bawat tao.

Hiling din ni Bishop Florencio na patuloy na maging huwaran ng disiplina, pag-asa, at walang pag-iimbot na paglilingkod ang mga uniformed personnel, habang ginagabayan ang bansa tungo sa tunay at pangmatagalang kapayapaan na nakaugat sa katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 29,558 total reads

 29,558 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 80,532 total reads

 80,532 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 128,403 total reads

 128,403 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 232,351 total reads

 232,351 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 316,978 total reads

 316,978 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top