Pentecost Vigil, isasagawa sa pinagluklukan ng Balangiga bells

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 514 total reads

Inaanyayahan ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang mananampalataya sa Diyosesis na makiisa sa isasagawang Pentecost Vigil sa darating na ikawalo ng Hunyo.

Ito ay gaganapin sa St. Lawrence Deacon and Martyr sa Balangiga, Eastern Samar, ang parokyang pinagluklukan ng makasaysayang mga kampana sa bansa.

“Inaanyayahan ko po ang lahat na makiisa sa pentecost vigil celebration sa June 8 dito sa parokya ni San Lorenzo Deakono at Martyr sa bayan ng Balangiga,“paanyaya ni Bishop Varquez.

Ang Dakilang Kapistahan ng Pentekostes ay ipinagdiriwang ng Simbahang Katolika makaraan ang limampung araw ng Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo.

Ito ay mahalagang pagdiriwang sa pananampalatayang Kristiyano sapagkat ito ang paggunita sa pagbaba ng Banal na Espiritu sa mga alagad ni Hesus.

Makasaysayan din ang pagdiriwang ng Pentekostes para sa parokya ng San Lorenzo Diakono at Martir matapos muling iniluklok ang tatlong kampana makalipas ang 117 taon nang kunin ito ng mga sundalong Amerikano.

Ika – 15 ng Disyembre ng ibalik ang tatlong kampana sa nasabing Simbahan kung saan muling napakinggan ng mamamayan sa lugar ang pagtunog ng mga kampana.

Ala una nang hapon magsisimula ang pagtitipon sa parokya kung saan kabilang sa mga gawain na itatampok ang mga pagbabahagi para sa Year of the Youth na ibibigay ni Fr. Jan Ian Brylle Callera at Fr. Ryan Janelle Salvacion.

Ika – 8:30 ng gabi naman ang pagtatanghal at pagtatanod sa Banal na Sakramento kasabay ang pagpapakumpisal sa mga dadalong mananampalataya habang ganap na ikasampu ng gabi ang pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Dakilang Kapistahan ng Pentekostes na pangungunahan ni Bishop Crispin Varquez.

Ito na ang ika-31 taong sama-samang pagsalubong ng Diyosesis sa Pentekostes kung saan dinadaluhan ng mahigit sa 3,000 mananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 17,514 total reads

 17,514 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 54,541 total reads

 54,541 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 280,811 total reads

 280,811 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 174,278 total reads

 174,278 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 267,375 total reads

 267,375 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top