Philippine Faith and Heritage Tourism, inilunsad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 797 total reads

Ginanap sa Guagua, Pampanga ang soft launching ng Philippine Faith and Heritage Tourism bilang bahagi ng paggunita sa ika-500 taon ng kristiyanismo sa Pilipinas.

Layunin nitong gawing instrumento ang nasa 537 historical pilgrim churches sa Pilipinas upang mas palaganapin ang turismo sa bansa na makakatulong din sa pagpapalalim sa pananampalatayang Kristiyano ng mga Filipino.

Ayon kay Radio Veritas 846 President, Fr. Anton CT. Pascual, isa itong makabuluhang programa na sa pamamagitan ng pagpunta sa mga makasaysayang simbahan sa bansa ay muli nitong mapapaigting at bubuhayin ang pananampalataya ng mga Kristiyanong Katoliko.

“Ito’y napakagandang programa upang ating palakasin muli… ang ating pananampalataya at ito ay upang buhayin lalong-lalo na sa ating mga katoliko, napakaraming katoliko sa Pilipinas – 85 porsyentong katoliko. Paigtingin natin muli ang pananampalataya na hindi lamang magpapabago ng ating buhay at ng ating pamilya, kung hindi nagpapabago ng ating lipunan tungo sa isang magandang Pilipinas,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi naman ni Atty. Maria Anthonette Velasco-Allones, Chief Operating Officer ng Tourism and Promotions Board (TPB) – Philippines, na magiging mas makabuluhan ang programang ito sa pamamagitan ng paghikayat sa iba pang mananampalataya na makiisa upang magkaroon ng karagdagang kaalaman hinggil sa kasaysayan ng mga simbahan sa bansa na maaaring makatulong sa pagpapatatag ng pananampalatayang Kristiyano ng mga Filipino.

“So sana ang ating journey para maubos mo yung 537 Jubilee Churches is a journey also of fun… So kailangan piliin natin. Magsama tayo, humikayat tayo sa pagba-biyahe at paglalakbay. Because only then will they say, ah, kaya pala sila Katoliko. Kaya pala sila naniniwala kay Kristo,” pahayag ni Atty. Allones.

Samantala, ibinahagi naman ni Radio Veritas Asia General Manager Fr. Victor Sadaya, CMF na isa sa napakahalagang misyon ng simbahan ang pagbuklurin ang mga Filipino tungo sa mas malalim na pananalig kay Kristo.

Paliwanag ni Fr. Sadaya na ang pakikipagkaisa at pakikipagtulungan ay malaki ang maitutulong upang mas makahikayat at maipalaganap ang pananampalatayang Kristiyano na nais iparating sa pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa.

“Sa panahon ngayon napaka-importante ‘yung tinatawag nating partnership at collaboration… The ultimate goal of the mission of the church is to create communion. It is only by being a community that we can really show that our faith is alive,” pahayag ni Fr. Sadaya sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito ay isinagawa naman ang Ceremonial Signing sa pagitan ng Veritas 846 sa pangunguna ni Fr. Pascual, TPB – Philippines sa pangunguna ni Atty. Allones, at Creative Travel and Tours International President Rubyrose “Bessie” Rustia.

Saksi naman sa paglagda sa kasunduan sina Fr. Sadaya, Guagua Mayor Dante Torres, at Veritas 846 Chief Strategy Officer Bro. Clifford Sorita.

Bago ang paglulunsad sa Philippine Faith and Heritage Tourism program, isang banal na misa muna ang inialay para sa Dakilang Kapistahan ni Santiago Apostol sa Saint James the Apostle Parish Church o mas kilala bilang Betis Church, na itinuturing ding isa sa mga historical pilgrim churches sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 107,435 total reads

 107,435 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 245,623 total reads

 245,623 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 361,400 total reads

 361,400 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 477,465 total reads

 477,465 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 243,852 total reads

 243,852 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top