Politics without Christ is a cross

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 763 total reads

Mahalaga ang presensya at paggabay ni Hesus sa larangan ng pulitika.

Ito ang binigyang diin ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa Caritas News on the Go ng Caritas Philippines kaugnay sa kahalagahan ng gabay ng Panginoon sa pulitika upang maisakatuparan ang pangunahing diwa nito na paglilingkod ng tapat sa bayan.

Ayon sa Arsobispo, kung wala ang paggabay ni Hesus sa larangan ng pulitika ay maaari itong maging tulad ng isang krus na magpapahirap at kinakailangang pasanin ng mamamayan.

Ipinaliwanag ni Archbishop Villegas na mahalaga ang paggabay at presensya ng Panginoon sa larangan ng pulitika upang ganap nitong maisakaturan ang pagiging daan tungo sa kasaganahan at kaunlaran ng bawat mamamayan.

“Bring Christ to politics, because politics without Christ would be a cross to carry for the people. It is when politics is spirited by Christ that it becomes truly liberational and it becomes truly helpful for the people because politics without Christ would be a severe blow on the poor and on everybody.”pahayag ni Arhbishop Villegas.

Inihayag ng Arsobispo na ang lahat ay tinatawagan na maging banal at bayani na kinakailangang isabuhay ang konteksto ng pagiging mabuting Kristiyano.

“Ang unang tawag sa atin ay maging banal pero in the same breath na tinatawag tayong maging banal, tinatawag din tayong maging bayani kasi yung ating kabanalan ay isasabuhay natin sa konteksto ng ating lipunan in other words ang pagiging Kristiyano ay hindi nakalutang sa alapaap, ang pagiging Kristiyano ay nakatapak tayo sa lupa at yung lupang tinatapakan natin kailangan nating baguhin upang biyayaan ni Kristo, angkinin para kay Kristo to restore all things in Christ.” Dagdag pa ni Archbishop Villegas.

Kaugnay nito, ang Archdiocese of Lingayen Dagupan ang kauna-unahang diyosesis na naglunsad ng programang Simbayanihan ng Caritas Philippines na pagkakaisa ng Simbahan at ng bayan para sa pagbabago at kaunlaran ng lipunan.

Ang naturang programa ng social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ay naglalayong isulong ang aktibong partisipasyon ng taumbayan sa usapin at sistema ng lokal na pamamahala ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 34,239 total reads

 34,239 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 65,511 total reads

 65,511 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 143,295 total reads

 143,295 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 237,523 total reads

 237,523 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 296,733 total reads

 296,733 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 22,472 total reads

 22,472 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top