Poong Nazareno, bumisita sa Parokya ng Sto. Niño de Taguig

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 962 total reads

Ikinagalak ng mananampalataya at deboto sa Sto. Niño de Taguig Parish sa Signal Village, Taguig City ang pagdalaw ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Pinangunahan ni Fr. Daniel Estacio, kura paroko ng parokya ang pagtanggap sa imahe.

Sa panayam ng Radio Veritas, sinabi ni Fr. Estacio na mapalad ang parokya ng Sto. Niño de Taguig dahil napili itong bisitahin ng Poong Nazareno bilang bahagi ng pagdiriwang sa kapistahan.

Ayon pa sa pari, dahil sa pagdalaw ng Poong Nazareno sa kabila ng pandemya, nagdulot at nagbigay ito sa mga mananampalataya ng kalakasan, katatagan ng loob at nagpalalim pa lalo sa pananampalataya ng bawat isa.

“Masayang masaya po kami sapagkat sa panahon ngayon ng pandemya ay dinalaw po kami upang bigyan ng lakas, bigyan ng tatag, bigyan ng mas malalim na pananampalataya’t kumapit sa kanya. Sabi nga lakasan natin ang ating loob. Huwag tayong matakot, kasama natin si Hesus,” pahayag ni Fr. Estacio sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi rin ni Fr. Estacio na bukod sa mga mananampalataya ng parokya ay marami ding mga parokya na sakop din ng Diocese ng Pasig at karatig pang lugar ang bumisita upang silayan at hingin ang pagpapala’t pagbabasbas ng Poong Nazareno.

Dalangin naman ni Tito Villanueva, 20-taon nang deboto ng Poong Hesus Nazareno ang kapayapaan at pagkakaisa ng mga Taguigeño ngayong nahaharap ang lahat sa banta ng virus at iba pang hamon ng buhay.

Hiling din ni Villanueva sa kapwa mga ka-deboto na isapuso, isaisip at buong loob na idalangin ang kanilang panata sa Mahal na Poong Nazareno.

“Ang masasabi ko lang [ay] kapayapaan, pagkakaisa ng mga Taguigeño at tsaka ‘yung nararapat gawin, ‘yung pagsamba ay isapauso at isaisip. Buong loob [na] ipanalangin nila ang kanilang panata,” pahayag ni Villanueva sa panayam ng Radio Veritas.

Bagamat maraming mga bumibisita sa parokya ay mahigpit pa ring ipinapatupad ang health protocols upang matiyak ang kaligtasan mula sa panganib na dala ng coronavirus disease.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 1,921 total reads

 1,921 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 53,205 total reads

 53,205 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 138,571 total reads

 138,571 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 185,307 total reads

 185,307 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 233,178 total reads

 233,178 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 334,595 total reads

 334,595 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,784 total reads

 169,784 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top