257 total views

Ang 2021 ay isang taong hindi natin malilimutan. Marami itong leksyon iniwan para sa atin. Karamihan sa mga leksyong ito ay masakit, ngunit may iilan na napakasarap balikan muli. Isa sa mga ito ay ang panandaliang kalinisan ng hangin na ating nalasap nuong panahon ng malawakang lockdown.

Ayon sa mga eksperto, bumagsak ang global greenhouse gas emissions nuong 2020 ng mga 2.4 bilyong tonelada, bunsod ng mga COVID 19 restrictions. Bumagsak din ang transportation activity sa US ng 12%, sa European Union ng 11%, sa India ng 9%, at sa China ng 1.7% Nuong kahitikan nga  mga mga lockdowns noong Abril, bumaba ng17% ang daily carbon emissions ng mundo.



Sa pagbaba ng emisyon, nakita nating lahat ang ganda ng langit at ang kalinisan ng hangin. Nakita ang mga kabundukan ng Luzon mula sa mga condominiums sa NCR. Mas maraming ibon ang nagliparan sa paligid. Mas luntian ang kapaligiran at mas presko ang hangin. Pero ang lahat ng ito ay parang panaginip lamang.   Matapos ang mga lockdowns, unti-unti nang bumabalik sa mataas na lebel ang global emissions.

Ngayon, upang mapabilis ang pag-unlad ng ekonomiya, dumarami na ulit ang mga kalakaran at bentahan sa iba-ibang merkado. Tila, ang new normal ng buong mundo ay para sa mga health protocols lamang. Balik ulit sa dating gawi ang lahat pagdating sa mga gawaing may kaugnayan sa emisyon. Para sa marami, tila ang dami ng usok sa paligid ay katumbas din ng pera para sa bulsa ng marami.

Huwag sana sayangin ng global na komunidad ang bentaheng dulot ng panandaliang pagbaba ng ating mga emisyon. Ang paglinaw at paglinis ng hangin sa mundo ay simbolo ng unti-unting paghilom ng ating planeta. Kaya lamang, ang paghilom na ito ay panandalian lamang pala, dahil matapos ang mga lockdowns, tumaas na rin ulit ang mga emisyon. Hindi natin nakikita na ang proteksyon sa kalikasan ay proteksyon din sa ating kalusugan.

Kapanalig, pinapa-alala sa atin ng Laudato Si, bahagi ng Catholic Social Teachings, na sabay na nasisira ang kalikasan at ang tao. Sabi rin nito, ang usaping kalikasan ay tumutukoy hindi lamang sa ating kapaligiran, kundi sa ugnayan ng kalikasan at ng lipunang nakatira rito. Hindi tunay ang pag-usad ng global community mula sa pandemya kung hindi natin aatupagin hindi lamang ang ekonomiya, kundi pati ang ating kalikasan. Sana, sabay sa paglatag ng mga programang pambakuna, mailatag rin ang mga kongretong pagkilos para sa kabutihan ng ating kalikasan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

50-PESOS WAGE HIKE

 25,013 total views

 25,013 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 35,641 total views

 35,641 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 56,664 total views

 56,664 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 75,370 total views

 75,370 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 107,919 total views

 107,919 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

50-PESOS WAGE HIKE

 25,014 total views

 25,014 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 35,642 total views

 35,642 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 56,665 total views

 56,665 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 75,371 total views

 75,371 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 107,920 total views

 107,920 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 90,906 total views

 90,906 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 123,524 total views

 123,524 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 120,540 total views

 120,540 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 122,469 total views

 122,469 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 131,578 total views

 131,578 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »
Scroll to Top