2,117 total views
Ayon kay Zamboanga Administrator Bishop Moises Cuevas itinakda sa August 22 ang installation ng arsobispo ganap na ikasiyam ng umaga sa Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception Parish sa Zamboanga City.
“Ang mag-install kay Archbishop [Julius] Tonel sa August 22 ay si Cardinal [Jose] Advincula,” pahayag ni Bishop Cuevas sa Radio Veritas.
Matatandaang hinirang ni Pope Francis noong April 25 si Archbishop-elect Tonel bilang kahalili skay Archbishop Romulo de la Cruz na pumanaw noong December 10, 2021.
Hiling ni Bishop Cuevas sa nasasakupang mananampalataya na patuloy ipanalangin ang bagong arsobispo sa kanyang pagmimisyon at pagpapastol sa 700, 000 katoliko sa lugar.
Si Archbishop-elect Tonel ay nagtapos ng Philosophy San Francis Xavier Regional Major Seminary of Mindanao (SFX-REMASE) at Theology naman sa University of Santo Tomas Central Seminary at naordinahang pari noong April 12, 1980 sa Archdiocese of Davao kung saan naging Vicar General ng arkidiyosesis at Rector ng SFX-REMASE.
Nagpakadalubhasa ang obispo ng Liturgical Theology sa Pontifical Institute of Sacred Liturgy sa Roma habang June 30, 2007 nang hirangin ni Pope Benedict XVI bilang pastol ng nooy; Prelatura ng Ipil at naging unang obispo nang maitalagang diyosesis noong May 1, 2010.