78,821 total views
Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo ng gobyerno na ang binabayad nating buwis ay para naman sa atin., pinapagawa ng mga lansangan, mga pagamutan, mga paaralan., sa mga flood control project. Pero ang masakit na katotohanan., humugit-kumulang sa 40-porsiyento ng national budget o General Appropriations Act ay nasasayang lamang, ninanakaw o kaya napunta sa korapsyon.
Sa 5-trilyong pisong national budget., 2-trilyong piso, opo Kapanalig., 2-trilyong piso ay nawawala. Ang ninakaw na pera ng taumbayan ay nakapagpatayo sana ng 10,000 bagong silid-aralan(classrooms) 100-bago at modernong pagamutan, daang-libong kilometrong ligtas na lansangan. Sa halip, ang dalawang trilyong piso ay ginamit sa pagtatag ng mga dynasty.
Ang totoo Kapanalig, nagawang perpekto na ng Kongreso ang formula o pamamaraan sa pandarambong. Wala sa bokabularyo ng mga pulitiko ang serbisyo publiko., kundi para sa sariling interes at kapakinabangan.
Taon-taon, hino-hostage ng mga mambabatas ang pondo hanggat hindi pumapayag ang mga ahensiya ng pamahalaan sa kanilang kagustuhan. Binu-bully nila ang mga kalihim ng ahensiya ng gobyerno. Isinasalpak nila ang mga proyekto na hindi naman kailangan o kapaki-pakinabang sa national budget., siempre upang magkaroon ng kickback.
Talo pa ng mga mambabatas, maging ng executive branch ang mga arkitekto, dinisenyo nila ang budget structure sa kanilang kapritso. Noong nabunyag ang ginagawang budget insertions sa “unprogrammed appropriations”, pinalitan lang nila ito ng pangalan na ginawang “standby funds”. Kahit naiba ng pangalan, ito ay lump-sum allocations pa rin, hindi pa rin maaring busisiin ng mamamayang Pilipino ngunit ang pondo ay naghihintay lamang na ibubulsa ng mga nasa kapangyarihan sa Kongreso at executive branch ng pamahalaan.
Kapanalig, nabago na ang pangalan ngunit ang alingasaw ng katiwalian ay nananatili pa rin. Kasunod nito ay nakakasulasok na cycle…isang normal na kalakaran na lamang. Ang mga proyekto ay hindi base sa pangangailangan kundi para sa mabilisang komisyon, pre-selected na ang mga kontraktor, manipulado na ang bidding., ang halaga ng proyekto ay itinaas ng 20 hanggang 40-porsiyento, nagiging triple na ang ghost projects., nawawasak o nagigiba ang mga sub-standard na proyekto, naglalaho ang mga audit., ang masakit, naiwan para sa taumbayan ay mga sira-sira at hindi natatapos na mga tulay, mga lansangan, mga gumuhong pananggalang sa baha., binabahang lansangan.
Ang nakakagalit, ang power of purse ng mga nasa kongreso at ehekutibo ay naging lisensiya ng pagnanakaw. Ang matindi., ang ginagawang pagnanakaw sa pera ng bayan ay legal sa mata ng batas.
Kapanalig, tayo ay namumuhay sa tinaguriang “kickback economy” kung saan ang kaban ng bayan ay ginagawang pribadong kapital ng mga tiwaling mambabatas at opisyal ng pamahalaan.
Kapanalig, hanggat bahagi ng kalakaran o pundasyon ng Kongreso ang budget insertions, kickbacks at lump-sum funds., hindi na tayo maisasalba ng anumang anti-corruption campaign ng pamahalaan. Matapos ang isang taon, ang mga mambabatas at mga opisyal na sangkot sa korapsyon ay ligtas na naman sa pananagutan. Ang kahihiyan ay wala sa bokabolaryo ng mga walanghiya!
Kapanalig, naniniwala pa rin tayo sa sinasabi ng PROVERBS 29:16 “When the wicked thrive, so does sin, but the righteous will see their downfall.”
Nararapat nating mabawi ang para sa ating mga Pilipino., ang buwis, ang ating dignidad., ang ating kinabukasan
Sumainyo ang Katotohanan.




