PPCRV prayer power mass, pangungunahan ni Archbishop Lazo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,791 total reads

Nakatakdang pangunahan ni Jaro Apostolic Administrator Archbishop-emeritus Jose Romeo Lazo ang 4th Novena Mass ng PPCRV Prayer Power bilang patuloy na paghahanda sa nalalapit na 2025 Midterm National and Local Elections sa ika-12 ng Mayo, 2025.

Ayon kay Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) National Coordinator Dr. Arwin Serrano, ang PPCRV Prayer Power Campaign ay hindi lamang upang ipanalangin ang mga volunteers ng organisasyon na maglilingkod sa halalan kundi upang ipanalangin ang lahat ng mga botante, stakeholders, partner agencies at maging ang COMELEC na may mandatong pangasiwaan ang pagsasagawa ng halalan sa bansa.

Ibinahagi ni Serrano na mahalagang ipanalangin ng bawat isa ang pangkabuuang kaayusan, kapayapaan at katapatan sa nalalapit na halalan.

“This PPCRV Prayer Power Campaign is intended not only for our dear Volunteers who would be serving in various capacities but also for the overall conduct of our 2025 Midterm Elections for COMELEC, other Stakeholders, Partner Agencies and Voters to achieve a Clean, Honest, Accurate, Meaningful and Peaceful (CHAMP) Elections.” Bahagi ng pahayag ni Serrano sa Radyo Veritas.

Nakatakda ang ika-apat na PPCRV Prayer Power Novena Mass sa ika-12 ng Marso, 2025 ganap na alas-otso ng umaga sa Archbishop’s Palace Chapel, Jaro, Iloilo City na maaring matunghayan sa pamamagitan ng livestreaming sa Facebook page ng PPCRV.

Inilunsad ng PPCRV ang Prayer Power Journey for Election noong December 2024 na magtatagal hanggang sa May 12, 2025 sa araw ng halalan upang ipanalangin ang aktibong pakikibahagi ng mahigit 69 na milyong botante sa bansa at upang matiyak ang

‘Clean, Honest, Accountable, and Peaceful Elections’ o CHAMP May 2025 elections.

Nagsimula ang PPCRV Prayer Power Journey for Election sa PPCRV Mindanao sa pangunguna ni Davao Archbishop Romulo Valles.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 53,169 total reads

 53,169 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 87,845 total reads

 87,845 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 116,143 total reads

 116,143 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 152,628 total reads

 152,628 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 167,582 total reads

 167,582 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top