Protektahan ang mga mandaragat

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 113,529 total reads

Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang lawak ng karagatang nilikha ng Maykapal.

Noong nakaraang Lunes, nilagdaan ni Pangulong BBM ang Republic Act No. 12021 o ang Magna Carta for Seafarers. Ito ay ang batayang batas na poprotekta sa mga karapatan ng mga mandaragat katulad ng pagkakaroon ng maayos na kondisyon sa lugar na kanilang pinagtatrabahuhan, patas at sapat na pasahod, proteksyon laban sa diskriminasyon, at abot-kayang pagsasanay. Ang pagpasá ng Magna Carta na ito ay tugon sa kakulangan ng Pilipinas na umayon sa mga itinakdang patakaran ng International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers. Dagdag ng pangulo, ang batas ay ang paraan ng pamahalaan upang mahubog pa ang mga Pilipinong mandaragat sa patuloy na paglago ng industriya ng paglalayag.

Ang nasabing batas ay dumaan sa hindi pangkaraniwang third bicameral conference dahil sa isang pinagtalunang probisyon sa Section 59 tungkol sa tinatawag na execution bonds. Tinatalakay doon ang paggarantiya ng mga benepisyo para sa mga seafarers. Nakasaad sa probisyon na ang isang seafarer ay dapat munang magbayad ng bond bago niya makuha ang mga benepisyong nakasaad para sa disability o injury claims. Maibabalik lamang ang paunang bayad at makukuha ng mga seafarer ang mga benepisyo kung kakatigan ang kanilang apela. Kontrobersyal ito dahil mahihirapan ang mga seafarers na makakuha ng kompensasyon sa kanilang apela, at tila mas pumapabor ito sa mga may-ari at mga manpower agencies.

DZRV846 SOCMED PACKAGE 2024_6

Napabilang ang probisyong ito bilang proteksyon laban sa mga pang-aabuso ng mga tinatawag na ambulance chasers. Sila ang mga abugadong sinasamantala ang mga money claims o kompensasyon sa mga na-injure o nagkasakit na seafarers. Naging talamak ang ganitong gawain dahil ayon sa Labor Code, agaran dapat ang paglalabas ng kompensasyon anuman ang resulta ng apela. Ang hindi makatarungang gawain ng ambulance chasing ay sinasabing pinakamalaking banta sa mga seafarers at sa kalidad ng kanilang pagtatrabaho. Ibinababa nito ang kanilang employer preference, kung saan apektado ang higit na 400,000 na Pilipinong seafarers.

Sa sitwasyong ito, ipinahahayag ng mga panlipunang turo ng Simbahan na matimbang ang karapatan ng mga manggagawa kaya dapat isaalang-alang at protektahan ang mga ito. Ang karapatan ng mga manggagawa ay nakabatay sa likas na dignidad ng tao. Bahagi ng mga karapatan ng manggagawa ay ang mga seguridad o insurance kung sakaling maaksidente o magkasakit sila dahil sa pagtatrabaho. 

Kung iaayon ang nasabing probisyon sa katuruan ng Simbahan, dapat mabigyan ng pagkakataong maamyendahan ang batas upang hindi maagrabyado kapwa ang mga seafarers at employers. Ayon sa grupong Seafarers’ Rights International, ang mga employers ang dapat na nagbibigay ng paunang danyos. Ngunit dahil sa mga tiwaling ambulance chasers, dapat na masiguro ng mga manggagawa na tama at totoo ang batayan ng kanilang apela nang maiwasan din ang malaking gastos para sa pag-areglo ng mga kaso.

Mga Kapanalig, magandang balita ang pagkakaroon ng Magna Carta for Seafarers, pero dapat siguruhing patas at makatarungang mapoproteksyunan ang mga karapatan ng mga seafarers. Hindi dapat ginigipit ang mga benepisyong kanilang inaapela, at hindi rin dapat agrabyado ang mga nag-eempleyo sa kanila. Ang Magna Carta na ito na naisabatas ay isang hakbang sa pagkilala sa malaking ambag ng sektor ng paglalayag at sa mga karapatan ng mga ating mga seafarers, mga karapatang bumubukal mula sa dignidad ng tao at sa kabutihan ng Diyos.

Sumainyo ang katotohanan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 15,540 total reads

 15,540 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 32,981 total reads

 32,981 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 72,955 total reads

 72,955 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 107,082 total reads

 107,082 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 163,488 total reads

 163,488 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 32,982 total reads

 32,982 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 72,956 total reads

 72,956 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 107,083 total reads

 107,083 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 163,489 total reads

 163,489 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top