Quad Comm, iniimbestigahan ang kaugnayan ni Alice Guo sa ‘Fujian gang’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,296 total reads

Ito ang katanungang lumutang sa isinagawang pagdinig ng House Quad Committee makarang busisiin ng panel ang mga negosyo ni Guo at posibleng pagkakaugnay sa mga sindikato.

Ipinunto ni Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ang mga kahina-hinalang kaugnayan ni Guo at ilang mga indibidwal mula sa Fujian, isang rehiyon sa China konektado sa nasabing gang.

Ang Fujian gang ay tumutukoy sa isang sindikato na katulad ng mga triad, na kinabibilangan ng mga gang na imigrante sa Hong Kong at local networks sa Fujian.

Isa sa ipinakitang ebidensya ang poster ng pagbati mula sa mga negosyanteng Intsik na nakabase sa Maynila, na orihinal na mula sa Fujian, na nagdiwang sa pagkakahalal ni Guo bilang “unang Intsik na alkalde sa Pilipinas” noong 2022.

“This (congratulatory poster) came from businessmen here in Manila who originated from Fujian, China,” ayon kay Luistro.

Ayon din sa inilabas na impormasyon mula sa record ng Bureau of Immigration, na tumutukoy kay Guo na dependent ng kanyang ina na si Lin Wen Yi, na tubong Fujian.

Binanggit din ni Luistro na ang dalawang kasosyo ni Guo at mga kapwa incorporators ng Bamban-based na Baofu Land Development Inc.—sina Lin Baoying at Rujin Zhang—na parehong nahatulan ng paglabag sa anti-money laundering sa Singapore, ay mula rin sa Fujian.

“Based on research, Mr. Chair, the two incorporators by the name Baoying Lin and Rujin Zhang, both convicted of anti-money laundering in Singapore, are all from Fujian, China,” ayon sa pahayag ni Luistro sa Quad Committee, na pinamumunuan ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers.

Duda ng kongresista kung ang mga koneksyon na ito ay nagkataon lamang o indikasyon na sangkot si Guo sa mga ilegal na aktibidad na konektado sa Fujian gang.

Itinanggi ni Guo ang anumang kaalaman tungkol sa Fujian gang,

Inihayag sa interpelasyon ni Luistro, na ang pagkakaugnay ni Guo kina Lin at Zhang, na kapwa hinatulan sa Singapore dahil sa laundering ng $3 bilyon, kasama ang isa pang incorporator, na si Huang Zhiyang, na sangkot naman sa cybercrime matapos ang pagsalakay ng mga awtoridad noong 2023.

Ang apat na nabanggit ay sangkot sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), partikular ang Hongsheng Gaming Technology at Zun Yuan Technology, na konektado sa human trafficking at money laundering.

Nalaman din sa pagdinig na si Guo ay nakakuha ng pekeng birth certificate at Philippine passport sa pamamagitan ng late registration ng birth system, kaya’t nakatakbo at nahalal na opisyal ng gobyerno at makapagtayo ng mga negosyo.

Dahil dito, iminungkahi ni Luistro ang pagkakaroon ng reporma upang pigilan ang mga dayuhan na sinasamantala ang kahinaan ng Sistema at inirekomenda sa Securities and Exchange Commission na magpatupad ng mas mahigpit na regulasyon upang matiyak na lehitimo ang mga korporasyon.

“The layering of various documents to make it appear that these are legitimate corporations complicates the government’s ability to verify and monitor the illegal activities of these foreign nationals,” babala pa ng kongresista.

Binigyang-diin din niya ang pangangailangan para sa mas mahigpit na mga batas laban sa money laundering, na tinukoy na ang mga ilegal na operasyon ng POGO ay lumawak dahil sa hindi nare-regulate na mga financial transactions.

“Illegal activities and illegal POGOs will not proliferate if they are not able to transfer money. So I humbly suggest as well, Mr. Chair, that we tighten our rules on anti-money laundering,” dagdag pa ni Luistro.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 35,095 total reads

 35,095 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 85,659 total reads

 85,659 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 133,530 total reads

 133,530 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 237,478 total reads

 237,478 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 321,792 total reads

 321,792 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top