3,187 total views
Patuloy na isusulong ng IBON foundation ang katotohanan sa pamamagitan ng makatotohanang pag-aaral at pangangalap ng datos.
Bilang pakikiisa sa World Statistic day, tiniyak ni Ibon Foundation Exe. Director Sonny Africa na prayoridad ng organisasyon ang pananaliksik at pangangalap ng mga datos na makakatulong sa ikabubuti ng kalagayan ng mga Pilipino.
Naninindigan si Africa na sa pamamagitan ng “quality statistics” ay malalaman ng mga mamamayan ang katotohanan na madalas ay dino-doktor ng mga lider ng bansa.
Nilinaw ni Africa na kapag dinoktor ng pamahalaan ang mga datos ay pinaniniwala nito ang mamamayan sa kathang isip na pag-unlad.
“Quality statistics should reveal the truth, not conceal it. When those in power twist data, they rob people of truth and without truth there is only make-believe progress and not real development,” ayon sa mensaheng pinadala ni Africa sa Radyo Veritas.
Iginiit ng IBON Foundation na karapat-dapat ibahagi sa mga Pilipino ang makatotohanang datos na magbibigay kaalaman sa halip na protektahan ang mga etilista at kapit-tuko sa kapangyarihan.
“The Filipino people deserve data that empowers them instead of protecting elites and their self-serving grip on economic and political power,” mensahe ni Africa.
Pinag-aaralan ng IBON foundation ang kalagayang pang-ekonomiya, kahirapan, trabaho at pulitika.
Naunang sinuportahan ni Pope Francis noong 2021 World Day of the Poor ang paggamit ng mga statistics upang malaman ang katotohanan sa estado ng mga mahihirap at kalagayan ng isang bansa.