Rapid assessment, isinasagawa ng Diocese of Baguio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 829 total reads

Patuloy na nararamdaman sa Northern Luzon ang aftershock sanhi pa rin ng naganap na 7.3 magnitude earthquake noong Hulyo 27 sa lalawigan ng Abra.

Kaugnay nito, patuloy namang isinasagawa ng Diyosesis ng Baguio ang pagbisita sa bawat parokya upang tingnan ang kalagayan ng mga simbahan at ibang gusali na posibleng naapektuhan ng pagyanig.

Ayon kay Bishop Victor Bendico, natapos na nilang bisitahin ang mga parokya sa bahagi ng Baguio City na nagtamo lamang ng kaunting pinsala at ligtas na rin para sa pagsasagawa ng mga banal na pagdiriwang at iba pang gawain.

“Sa awa ng Diyos, base sa naging assessment at inspection namin ay minor damages lang ang nakuha ng mga parish church building matapos ang lindol,” pahayag ni Bishop Bendico sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa buod ng assessment report ng Diocese of Baguio na mula sa 14 na mga parokyang binisita, tanging ang Sacred Heart of Jesus Chapel sa La Trinidad, Benguet ang nagtamo ng maraming pinsala kabilang na ang mga bitak sa una at ikalawang palapag ng simbahan.

Mungkahi namang lagyan muna ng pansamantalang suporta ang bahaging may bitak para maiwasan ang karagdagang pinsala at magdulot ng panganib sa mga mananampalataya.

“Ang simbahan sa may La Trinidad ang mas naaapektuhan ng pagyanig kaya patuloy namin itong babantayan lalo’t patuloy ring nangyayari ang aftershocks ng paglindol sa may Abra at Vigan na maaari muling umabot dito sa Baguio,” ayon kay Bishop Bendico.

Bibisitahin naman bukas ng Obispo ang ilan pang parokya sa bahagi ng Benguet para sa patuloy na rapid assessment ng Diyosesis ng Baguio.

Ipinapanalangin naman ni Bishop Bendico ang kapayapaan ng kaluluwa ng mga naging biktima ng mapaminsalang pagyanig.

Magugunita nitong Hulyo 16, ilang araw bago ang malakas na paglindol sa Abra ay inalala ang naganap na 1990 Luzon earthquake na puminsala sa iba’t ibang gusali sa Baguio City kabilang na ang Hyatt Terraces Baguio Hotel na kumitil sa buhay ng hindi bababa sa 80 empleyado at bisita ng nasabing hotel.

Samantala, batay sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 10-katao na ang naitataling nasawi habang nasa halos 400-katao naman ang nagtamo ng mga sugat sa katawan dulot ng paglindol nitong nakaraang linggo.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 1,938 total reads

 1,938 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 53,232 total reads

 53,232 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 138,598 total reads

 138,598 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 185,334 total reads

 185,334 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 233,205 total reads

 233,205 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 334,619 total reads

 334,619 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,786 total reads

 169,786 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top