Replika ni Hesus Nazareno, tinanggap ng Archdiocese of Los Angeles

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,531 total views

Tinanggap ng Holy Family Catholic Church sa Los Angeles, sa pamamagitan ng Filipino Ministry ng Archdiocese of Los Angeles, ang opisyal na replika ng Jesus Nazareno mula sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o mas kilala bilang Quiapo Church, na isang hakbang na nagpapatibay sa espirituwal na ugnayan ng mga Pilipinong Katoliko sa Pilipinas at sa ibayong-dagat.

Isinagawa ang pormal na pagtanggap sa relipka ng imahen ng Poong Hesus Nazareno noong Enero 25, 2026, sa Quiapo Church sa pamamagitan ng paglagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) nina Rev. Fr. John Cordero, MMHC, kura paroko ng Holy Family Catholic Church sa Los Angeles, at Rev. Fr. Jade Licuanan, rektor ng Pambansang Dambana ng Jesús Nazareno.
Ang kasunduan ay tanda ng opisyal na pagtitiwala at pag-aatas ng banal na imahen ng Jesus Nazareno sa Filipino Catholic community sa Los Angeles.
“On January 25, 2026, our Pastor, Fr. John Cordero, MMHC, went to the National Shrine of Jesús Nazareno in Quiapo, Manila (more known as the Quiapo Church) to formalize the reception of Holy Family Church (in behalf of the Filipino Ministry of the Archdiocese of Los Angeles) of the Official Replica of the Jesús Nazareno Signing the Memorandum of Agreement with him is the Rector of the Shrine, Rev. Fr. Jade Licuanan.” Bahagi ng impormasyong inihayag ng Holy Family Catholic Church sa Los Angeles.
Ayon sa mga pinuno ng Simbahan, ang hakbang na ito ay sumasalamin sa matibay at patuloy na debosyon ng mga Pilipino sa Poong Jesus Nazareno, maging saan man sila naroroon sa mundo, at sa hangarin ng Quiapo Church na patuloy na alagaan ang pananampalataya ng mga Pilipinong nasa ibayong-dagat.
Inaasahang ipadadala ang banal na imahen patungong Estados Unidos bago ang solemne at makasaysayang Welcome Mass sa Pebrero 14, 2026 na nakatakdang pangunahan ni Balanga Bishop Rufino “Jun” Sescon, na dating nagsilbing rektor ng Pambansang Dambana ng Jesus Nazareno.
“Very soon, the image will be shipped by air to Los Angeles and will be welcomed with a Mass on February 14, celebrated by Bishop Rufino “Jun” Sescon, the Bishop of Balanga, Bataan who was the immediate past Rector of the National Shrine.” Dagdag pa ng parokya.
Umaasa naman ang pamunuan ng Quiapo Church na ang presensya ng opisyal na replika ng Poong Jesus Nazareno ay magpapalalim pa sa pananampalataya, magpapatibay ng pagkakaisa, at magsisilbing bukal ng pag-asa at lakas para sa mga Pilipinong Katoliko sa Archdiocese of Los Angeles.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 3,969 total views

 3,969 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 25,974 total views

 25,974 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 50,316 total views

 50,316 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 74,546 total views

 74,546 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 110,122 total views

 110,122 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top