Pagkakahirang ng Quiapo church na minor basilica and national shrine, isang pagkilala at pananagutan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,924 total views

Binigyang-diin ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na ang pagkakahirang sa Quiapo Church bilang Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno ay hindi lamang isang karangalan, kundi isang mabigat na pananagutang kaakibat ng mas malalim at mas malawak na paglilingkod ng simbahan at ng pamayanan ng mga deboto.

Ito ang naging mensahe ng kardinal sa kanyang homiliya sa pagdiriwang ng ikalawang anibersaryo ng deklarasyon ng Quiapo Church bilang pambansang dambana.

“Ang deklarasyong ito ay hindi lamang isang karangalan o titulo. Ito ay isang pagkilala at isang pananagutan,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Ipinaliwanag ng arsobispo na matagal nang kinikilala ang Quiapo Church bilang tahanan ng puspos at nag-aalab na pananampalataya ng libu-libong debotong patuloy na dumadalaw sa dambana.

Kasabay nito ang isang hamon ng pagpapalalim at pagpapalaganap ng pananampalataya sa labas ng simbahan.

Ayon pa kay Cardinal Advincula, ang basilica ay nagsisilbing sagisag ng pag-asa para sa sambayanang Pilipino, lalo na para sa mga nasa laylayan at mahihinang sektor ng lipunan.

“Ang liwanag na nagniningas dito ay hindi lamang para sa Quiapo, kundi para sa buong sambayanang Pilipino, nasaan man tayo sa daigdig. Ang Quiapo ay hindi lamang isang karaniwang simbahan, kundi isang dambana ng pag-asa para sa lahat,” diin ng kardinal.

Dagdag pa ng arsobispo na malinaw na nakikita ng simbahan ang mga bunga ng buhay na debosyon sa Poong Hesus Nazareno kabilang ang patuloy na pagdagsa ng mga mananampalataya sa Eukaristiya at sa Sakramento ng Kumpisal, gayundin ang pananatiling matatag ng pananampalataya sa kabila ng kahirapan at pagsubok sa buhay.

Patuloy na paalala ni Cardinal Advincula na ang mga biyayang tinatanggap ng dambana ay hindi dapat manatili sa loob lamang ng Quiapo Church, kundi dapat isalin sa kongkretong pagmamalasakit at paglilingkod sa lipunan.

“Ang biyaya ay hindi iniipon; ito ay pinagyayaman sa pamamagitan ng pagbabahagi. Ang pagkilalang ibinigay sa Quiapo ay hindi hudyat ng pagtatapos, kundi panawagan sa mas malalim at mas malawak na paglilingkod,” ani pa ng arsobispo.

Hinamon din ng kardinal ang mga deboto na ipakita ang kanilang pananampalataya sa konkretong paraan, lalo na sa pagtulong at pakikiisa sa mga mahihirap at nangangailangan.

Bilang pambansang dambana, ayon kay Cardinal Advincula, tinatawag ang Quiapo Church na maging ilaw ng ebanghelisasyon, habag, at katarungan, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo kung saan naroroon ang mga debotong Pilipino.

“Ang debosyon sa Poong Hesus Nazareno ay dapat laging iugnay sa Salita ng Diyos, sa mga sakramento, at sa wastong pamumuhay. Ang dambana ay dapat maging paaralan ng pananampalataya kung saan ang debosyon ay humahantong sa tunay na pagbabagong-loob at pagsunod kay Kristo,” giit ng kardinal.

Matatandaang noong Enero 2024 nang magkasundo ang mga obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ideklara ang Quiapo Church bilang Pambansang Dambana ng Poong Hesus Nazareno. P

Pormal at maringal namang isinagawa ang deklarasyon noong January 29, 2025.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 6,793 total views

 6,793 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 34,798 total views

 34,798 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 52,598 total views

 52,598 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 52,318 total views

 52,318 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 164,491 total views

 164,491 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 6,484 total views

 6,484 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top