Justice for labor is not optional charity-Caritas Philippines President

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,211 total reads

Binigyang-diin ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, chairperson ng Church People–Workers Solidarity (CWS) na ang katarungan para sa mga manggagawa ay isang obligasyong moral at hindi maaaring ituring na simpleng kawanggawa.

Ito ang mensahe ng obispo sa paggunita ng ika-124 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Unión Obrera Democrática (UOD), ang kauna-unahang modernong pederasyon ng mga unyon sa Pilipinas.

Sinabi ng obispo na napapanahon pa rin ang laban ng mga manggagawa mahigit isang siglo matapos maitatag ang UOD noong 1902, sa gitna ng mababang pasahod, kontraktuwalisasyon, at hindi ligtas na kondisyon sa paggawa.

“Justice for labor is not optional charity; it is a moral imperative and a concrete path toward the peace God desires for society,” giit ni Bishop Alminaza.

Ayon pa sa obispo, taliwas sa kalooban ng Diyos ang patuloy na pagsasamantala sa mga manggagawa na lumilikha ng yaman ng bansa ngunit kadalasang nananatili sa laylayan ng lipunan.

Giit ni Bishop Alminaza na ito ay taliwas sa kalooban ng Diyos lalo na sa isinasaad sa Deuteronomio 24:14 “Huwag ninyong ipagkakait ang kaukulang bayad sa inyong mahihirap at nangangailangang manggagawa.”

“While workers generate the nation’s wealth, many are forced to live in poverty, their labor undervalued and their voices silenced,” ani Bishop Alminaza.

Tinukoy rin ng obispo ang patuloy na pag-iral at paglala ng mga pananamantala sa ilalim ng mga polisiyang neoliberal, kabilang ang malawakang kontraktuwalisasyon, pagsasapribado, at labis na paghahabol ng tubo ng mga korporasyon.

“More than a century after the founding of the Unión Obrera Democrática, the same structures of exploitation persist and have even intensified under neoliberal policies,” dagdag ng obispo.

Mariing kinondena ng CWS ang anumang uri ng panunupil sa mga unyon at kolektibong pagkilos ng mga manggagawa, kabilang ang union-busting, red-tagging, at pananakot sa mga lider-paggawa.

“Any attempt to delegitimize unions, suppress organizing, or silence collective action—through union-busting, red-tagging, or intimidation—violates not only social justice but the Gospel itself,” giit ng obispo.

Binigyang-diin din ni Bishop Alminaza ang turo ng Simbahang Katolika hinggil sa dignidad ng paggawa, batay sa ensiklikal na Laborem Exercens, na nagsasabing mas may prayoridad ang paggawa kaysa kapital dahil ang tao ang laging paksa ng paggawa at hindi kasangkapan lamang ng produksyon.

Nanawagan si Bishop Alminaza na ipagpatuloy ang diwa at pamana ng UOD sa pamamagitan ng pagtataguyod ng makataong pasahod, seguridad sa trabaho, ligtas na lugar-paggawa, at ganap na pagkilala sa karapatan ng mga manggagawa na mag-unyon at makipagkasunduan nang kolektibo.

Kasabay ng paggunita sa anibersaryo ng UOD at sa Jubilee Year ng ika-800 sentenaryo ng pagpanaw ni San Francisco ng Assisi, dalangin ni Bishop Alminaza na ang kapayapaan ay maisabuhay sa lipunan sa pamamagitan ng katarungan, pagkakasundo, at matapang na patotoo para sa karapatan ng mga manggagawa.

1902 nang maitatag ni Isabelo de los Reyes ang UOD kung saan kinilala itong ‘Father of the Philippine Labor Movement.’

VP Sara at asawa, may 51-baril

 4,357 total reads

 4,357 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 6,573 total reads

 6,573 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 6,450 total reads

 6,450 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 18,928 total reads

 18,928 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 68,313 total reads

 68,313 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 90,403 total reads

 90,403 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 190,224 total reads

 190,224 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 222,466 total reads

 222,466 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top