Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 626 total reads

Kapanalig, bigyang puwang naman natin ang mga hinaing ng mga maralita, lalo na ukol sa mga isyung malaki ang epekto at impluwensya sa buhay nila.

Marami sa ating mga kababayang maralita ang hirap maka-access sa mga batayang serbisyo gaya ng health services. Isa sa mga malalaking barrier o hadlang dito ay ang nararanasang disrespeto at pang-aabuso mula sa mga taong dapat ay kumakalinga sa kanila.

Ang “attitude” ng ilang mga mga health care workers ay isa sa mga bagay na nakaka-“intimidate” ng marami sa  kanila, lalo na sa aspeto ng maternal care. Marami ang nakakaranas ng diskriminasyon, panghihiya at at pagpapabaya dahil sa iba-ibang salik, mula sa kahirapan ng kliyente at ng pagiging overworked ng mga health care service providers.

Ayon sa isang survey report ng USAID noong 2012, ang phenomenon o pangyayaring ito ay hindi eksklusibo sa mga mahihirap na bansa. Ito ay nangyayari sa mga bansang maykaya din. Ilan sa mga insidente ng disrespeto na nakita ng survey ay physical abuse, non-consented, non-confidential at non-dignified care, at pati detention sa mga health facilities kapag hindi nakapagbayad ang pasyente.

Sa mga ganitong pagkakataon, kapanalig, mas bulnerbale ang maralita. Wala kasi silang choice kundi pumunta sa mga public health facilities kung saan libre ang serbsiyo. Ang masaklap kapanalig, marami ring hinaharap na isyu ang mga public health service providers natin kaya mas bulnerable din sila sa mga “stressful conditions” na nakaka-apekto rin sa kanilang pakikutungo sa mga pasyente.

Kaya nga kapanalig, ang health care system natin ay kailangan ng atensyon. Ayon sa World Health Organization, kailangan ng mas malakas at malawig na suporta mula sa gobyerno at mga development partners upang mas masaliksik pa at mabigyang lunas ang isyu ng disrespeto at pang-aabuso sa mga pasyente.  Kailangan din ng mga programa upang maitaas pa ang kalidad ng health care at mabigyan pa ng atensyon ang karapatan ng mga pasyente. Sabay nito, kailangang ding bigyang pokus ang sitwasyon ng health care workers, kung saan marami ang overworked at underpaid.

Kapanalig, ang health care ay ukol sa kabutihan ng tao. Kung ang pasyente at health worker ay hindi nabibigyang dangal, pare-pareho tayong talo.  Hindi lamang mas malaking bilang ng sakit, maternal deaths o infant deaths ang ating kakaharapin, kundi isang lipunang lipol sa mga taong walang awa at malasakit sa kapwa.

Ang pagbigay atensyon sa sitwasyon ng pasyente at health care provider ay pagbibigay respeto sa dignidad ng tao. Ito ay pagsasabuhay ng ‘charity at justice’ o pagmamahal at katarungan, na mga mahahalagang prinsipyo ng Panlipunang Turo ng Simbahan. Gawin nating inspirasyon ang mga kataga mula sa Pacem in Terris: Upang maging maayos ang ating lipunan, nararapat na tayo ay gumalang sa dignidad ng tao na puspos ng pagmamahal, at sa ilalim ng gabay ng katarungan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 64,598 total reads

 64,598 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 151,096 total reads

 151,096 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 194,131 total reads

 194,131 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 243,891 total reads

 243,891 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 401,985 total reads

 401,985 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MAHIYA NAMAN KAYO

 64,599 total reads

 64,599 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 151,097 total reads

 151,097 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 194,132 total reads

 194,132 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 243,892 total reads

 243,892 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »
Scroll to Top