Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Responsableng paggamit ng social media

SHARE THE TRUTH

 1,353 total views

Mga Kapanalig, sa bilis ng daloy ng balita at impormasyon ngayon sa internet at social media, nagagawa pa ba nating alamin kung saan galing ang mga ito?

Noong 2016, tinatayang mahigit 54 milyong Pilipino (o kalahati ng ating populasyon) ang gumagamit ng internet. Ang paggamit ng social media, katulad ng Facebook, ang sinasabing pangunahing ginagawa ng mga may access sa internet, sa computer man o sa kanilang smartphone. Sa katunayan, tayong mga Pilipino raw ang pinakababád sa Facebook: ang isang karaniwang Pilipinong may access sa internet ay nakauubos ng halos apat na oras sa Facebook sa loob lamang ng isang araw!

Hindi na nga maikakaila ang lawak at dami ng naabot ng social media at ang papel nito sa pagpapadaloy ng impormasyon at balita sa panahon natin ngayon. Isang patunay ng impluwensya ng social media ang naging gamit nito noong nakaraang eleksyon dito sa ating bansa at maging sa Amerika. Naging tulay ang Facebook at ibang social media platforms gaya ng Twitter sa pagpapalaganap ng mga impormasyong nais kumbinsihin ang mga tao na paniwalaan ang agenda, plataporma, at mga plano ng mga kandidato. Naging daan din ang mga ito sa pagpapalaganap ng mga balita at impormasyong walang malinaw at mapagkakatiwalaang batayan para lamang gawing propaganda ng ilang pulitiko. Tinagurian ang mga itong “fake news”, mga balitang gawa-gawa lamang at ipinakakalat sa internet ng mga tinatawag na trolls. Maliban sa panloloko sa mga tao, ang paglaganap ng “fake news” ay umabot sa paggamit ng masasakit na salita laban sa kapwa dahil na rin sa pagbabaluktot sa katotohanan. At kahit matagal nang tapos ang eleksyon, laganap pa rin ang fake news at patuloy ang mga trolls sa paninira sa mga kritiko ng kanilang kandidato at sa pagtatanggol rito. Bahagi na nga ang fake news sa paghubog ng opinion ng publiko.

Upang maiwasang lumalâ pa ang paglaganap ng mga pekeng impormasyon, may isang senador na nagpanukalang panagutin ang mga namumuno sa mga kumpanya ng mga social media platforms na hinahayaang kumalat ang mga fake news. Samantala, inihain naman ng isang senador na imbestigahan ang mga trolls na responsable sa pagpapalaganap ng mga mapanlinlang at mapanirang impormasyon.

Mga Kapanalig, may batas man o wala, tayo mismo ay makatutulong na ituwid ang mga maling impormasyon sa social media kung responsible ang paggamit natin ng mga ito. Bago tayo mag-share o mag-like ng nababasa natin sa Facebook, alamin muna natin kung saan nagmula ang mga ito. Kung hindi tayo mag-iingat, nagiging tulay tayo sa pagpapakalat ng kasinungalingan at hindi lamang tayo ang mapapahamak; madadamay din ang mga taong pinadalhan natin ng pekeng balita. Gaya ng mga itinuturo sa atin ng Catholic social teaching, ang paggamit ng media—kasama na ang social media—ay dapat na nakaugat sa layuning itaguyod ang kabutihan ng ating kapwa, ang kanilang halaga at dignidad. Hindi natin ito nagagawa kung pinapatulan nating lumaganap ang mga fake news at kung nakikisali tayo sa paninira sa iba, lalo na kung wala namang malinaw na basehan.

Mga Kapanalig, mahalaga ang tamang impormasyon sa pagpapalago at pagpapatibay ng demokrasya. Kung may impormasyon tayong hawak, nakakalahok tayo sa mga usaping hinaharap ng ating bayan. Kaya’t mahalagang sa harap ng maraming mapagkukunan natin ng impormasyon at ng iba’t ibang pananaw, nagagawa nating kilatisin ang mga batayan ng ating mga nababasa sa social media, nang sa gayon, ang tunay na katotohanan ang ating naibabahagi.

Ayon nga kay Pope Francis, hindi nakasalalay sa teknolohiya ang pagiging tunay o totoo ng ating komunikasyon, ng ating pakikipag-ugnayan sa iba. Tunay ang komunikasyong nagmumula sa ating mga puso at sa wastong paggamit natin sa mga kaparaanang mayroon tayo—kasama na nga rito ang social media.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

“Same pattern” kapag may kalamidad

 5,590 total views

 5,590 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 20,358 total views

 20,358 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 27,481 total views

 27,481 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 34,684 total views

 34,684 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 40,038 total views

 40,038 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 5,591 total views

 5,591 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 20,359 total views

 20,359 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 27,482 total views

 27,482 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 34,685 total views

 34,685 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 40,039 total views

 40,039 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 43,009 total views

 43,009 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 35,343 total views

 35,343 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 74,924 total views

 74,924 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 82,478 total views

 82,478 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 78,361 total views

 78,361 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng mga Baybaying Komunidad

 89,908 total views

 89,908 total views Bilang arkipelago, tayo ay napapaligiran ng mga katubigan. Ang ating mga dalampasigan ay hindi lamang nagtataglay ng likas na kagandahan, nagsisilbi ring silang pangunahing kabuhayan ng maraming komunidad. Ang mga baybaying komunidad ay umaasa sa karagatan para sa kanilang ikinabubuhay, mula sa pangingisda, pag-aalaga ng mga yamang-dagat, hanggang sa turismo. Subalit, ang kanilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Seniors

 94,015 total views

 94,015 total views Ang mga nakakatanda o senior citizens ay isang mahalagang bahagi ng ating lipunan. Sila ay ating mga haligi ng pamilya na nagtaguyod ng mga henerasyon. Hindi matatawaran ang kanilang naging ambag sa sa kasaysayan at pag-unlad ng bansa. Sa kabila ng kanilang kahalagahan, ang mga senior citizens sa Pilipinas ay nahaharap sa iba’t

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sanitasyon

 70,912 total views

 70,912 total views Ang sanitasyon ay isang mahalagang aspeto ng kalusugan ng tao na may direktang epekto sa kalidad ng buhay ng mamamayan at public health. Dito sa ating bayan, ang sanitasyon ay malaking hamon lalo pa’t marami sa ating mga komunidad ay may limitadong access na malinis na tubig at maayos na palikuran. Alam mo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Leptospirosis: problema sa pag-uugali o pagbabaha?

 70,880 total views

 70,880 total views Mga Kapanalig, matapos ang malalakas na ulan at malalang pagbaha dala ng bagyo at habagat noong Hulyo, dumami muli ang kaso ng leptospirosis sa bansa. Sabi ng Department of Health (o DOH) noong nakaraang linggo, mahigit 2,100 na kaso na ang naitala mula sa simula ng taon hanggang noong Agosto 3. Bagamat mas

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

We deserve better

 70,231 total views

 70,231 total views Mga Kapanalig, sa isang open letter o sulat bilang pasasalamat sa mga nagpahayag ng pagsuporta sa kanya matapos niyang sabihing may mga banta sa kanyang kaligtasan, hindi pinalampas ni Vice President Sara Duterte ang pagkakatong pasaringan ang gobyerno. Pinuna niya ang pamahalaan dahil hinahayaan daw nitong magutom, mabuhay sa kahirapan, at mabiktima ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top