Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Retirement ni Bishop Famadico, tinanggap ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

 4,407 total views

Tinanggap na ng Santo Papa Francisco ang maagang pagretiro ni Bishop Buenaventura Famadico bilang pinunong pastol ng Diocese of San Pablo sa Laguna.

Ito ang inanunsyo ng Vatican nitong September 21 kaugnay na rin sa karamdaman ni Bishop Famadico na kamakailan ay na-confine sa pagamutan dahil sa sakit sa puso.

Kasabay nito itinalaga ni Pope Francis si Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ang kasalukuyang Vice President ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines bilang tagapangasiwa ng diyosesis habang hinihintay ang magiging kapalit ng nagretirong obispo.

Humiling ng panalangin si CBCP Secretary General Bernardo Pantin para sa kagalingan at kalakasan ni Bishop Famadico gayundin ang pamamahalang pastoral ni Bishop Vergara bilang administrator ng diyosesis.

Si Bishop Famadico ay inordinahang pari ng Calapan Oriental Mindoro noong October 25, 1983 habang itinalagang Auxiliary Bishop ng Archdiocese of Lipa noong April 6, 2002.

June 11, 2003 nang hiranging obispo ng Diocese of Gumaca, Quezon kung saan makalipas ang isang dekada ay inilipat sa Diocese of San Pablo.

Kasunod ng pagretiro ni Bishop Famadico nasa anim na diyosesis sa bansa ang sede vacante ang Diocese ng Alaminos, Baguio, Balanga, Gumaca, Ipil at ang San Pablo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Libreng gamot para sa mental health

 54,387 total views

 54,387 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 72,721 total views

 72,721 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Nang marinig naman nila ang katarungan

 90,496 total views

 90,496 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 166,096 total views

 166,096 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

FUNCTIONAL ILLITERACY

 189,845 total views

 189,845 total views Bago matapos ang taong 2025…. At bago mag-adjourned ang Kongreso sa ika-20 ng Disyembre 2025, minamadali na ang pagtalakay at pag-apruba sa budget

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Dignidad ng tao, pundasyon ng moralidad

 40,503 total views

 40,503 total views Nanindigan ang Conference of Major Superiors in the Philippines–Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP-JPICC) at mga Mission Partners sa pagtatanggol sa

Read More »
Scroll to Top