12,878 total views
Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Rogationist missionary Fr. Herman Abcede bilang obispo ng Diocese of Daet.
Si Bishop-elect Abcede ang hahalili kay Archbishop Rex Andrew Alarcon na itinalagang arsobispo ng Caceres noong nakalipas na taon.
Pangangasiwaan ng bishop elect ang mahigit kalahating milyong katoliko ng diyosesis na binubuo ng 30 parokya sa buong Camarines Norte.
Nang maging sede vacante ang diyosesis itinalagang tagapangasiwa si Fr. Ronald Anthony Timoner na kasalukuyang vicar general ng diyosesis.
Inordinahang pari noong 1996 at naglingkod bilang Provincial Superior ng Rogationists in Asia and the Pacific habang ksalukuyan itong naglilingkod na Superior ng Community of Our Lady of the Most Holy Rosary ng Paranaque City.
Nagpakdalubhasa ang pari ng canon law sa Lateran Pontifical University sa Roma at naglingkod bilang Defender of the Bond ng Archdiocese of Manila at Diocese of Parañaque.
Kasalukuyan din itong judge para sa Ecclesiastical Court of First Instance ng Parañaque.
Si Bishop-elect Abcede ang ikalawang Filipino Rogationist na magiging obispo kasunod ni Melbourne Auxiliary Bishop Rene Ramirez.