Royal pardon sa mga nahatulang OFW sa Bahrain,ikinatuwa ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 805 total reads

June 1, 2020, 2:15PM

Ikinatuwa ng International Catholic Migration Commission (ICMC) ang paggawad ng royal pardon sa mga nahatulang Overseas Filipino Workers sa Bahrain.

Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng ICMC – Asia-Ocenia Working Group at Vice Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI), ito ay pagpapakita ng pakikiisa sa pagitan ng mga bansa at pagmamalasakit sa kapwa.

“Ito ay napakagandang halimbawa kung saan ipinakikita yung spirit of compassion and mutual relationship between country; we can apply to be considerate, to be compassionate, to be caring sa mga tao na nasa ating bansa o mga naglilingkod at nagtatrabaho sa ibang bansa,”pahayag ni Bishop sa Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas na ito ay inspirasyon at nagpapalakas sa kalooban ng pamilya ng mga nahatulan na muling mabigyan ng pagkakataon ang kaanak.

Una nang pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si His Majesty King Hamad Bin Isa Al Khalifa ang pinuno ng Bahrain sa paggawad ng pardon sa labing-anim na OFW na nahatulan sa kanilang bansa.

Sa pahayag naman ni Presidential Assistant on Foreign Affairs and Chief of Presidential Protocol Robert Borje, ang hakbang ng Bahrain sa pagpapalaya sa 154 na mga indibidwal kabilang na ang mga Filipino ay magandang halimbawa ng pagpapakatao.

SECOND CHANCE
Hamon ni Bishop Santos sa mga O-F-W na nagawaran ng royal pardon na iwasto ang mga pagkakamaling nagawa at pahalagahan ang pangalawang pagkakataon na ibinigay.

“Challenge ko rin ito sa mga pardoned na this is their second chance, ito ay pangalawang buhay, pangalawang pagkakataon, na kung may pagkukulang ay itama na at pagbutihin na ang relasyon sa kapwa tao, sa pinagtatrabuahn at sa trabaho,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Tiniyak ni Bishop Santos na patuloy ang ICMC at maging ang CBCP – ECMI sa pagtulong sa mga OFW na nahaharap sa anumang suliranin sa ibayong dagat habang iginagalang ang mga umiiral na batas sa bawat bansang kanilang pinagtatrabahuan.

Batay sa tala ng gobyerno tahanan sa mahigit 60-libong OFW ang Bahrain na binubuo ng mga propesyonal, mga skilled workers at mga household service workers.

Magugunitang sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Bahrain ay nilagdaan ng dalawang bansa ang apat na kasunduan kabilang na ang mga bagong pamumuhunan sa bansa na makalilikha ng mga trabaho.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 603 total reads

 603 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 5,278 total reads

 5,278 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 43,321 total reads

 43,321 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 269,592 total reads

 269,592 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 163,058 total reads

 163,058 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 256,810 total reads

 256,810 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top