Saan pumupunta ang buwis mo?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,102 total reads

Nakapahalaga ng buwis para sa kahit anong bayan, saan mang panig ng mundo. Ang buwis ay pundamental sa pagtataguyod ng bansa. Ito ay simbolo ng ating commitment at ambag sa kasulungan o development ng ating bayan.

Ang ating buwis ay ginagamit ng pamahalaan upang pondohan ang mga investments ng bayan sa human capital, sa pagpapagawa ng mga imprastruktura ng bayan, at mga batayang serbisyo para sa mamamayan. Kung maliit lamang ang nakokolektang buwis ng bayan, bitin ang mga serbisyo nito.

Sa ating bansa, maraming mga hamon sa pagbabayad ng buwis, pati na rin sa koleksyon ng buwis. Sa pagbabayad, siyempre, marami ang nagrereklamo sa taas ng binabayad, marami rin ang hirap at hindi alam ang proseso, at marami rin ang nanawagan para sa fair and equitable taxation. Siyempre, hindi dapat parehas ang pataw ng buwis sa halos walang kita o maliit ang kita sa mga mayayaman o kumpanyang malalaki ang kita. Sa koleksyon naman, marami ring hamon, gaya ng pagpalya ng mga indibidwal at mga negosyo sa pagbayad ng buwis, at mga kaso ng tax evasion at tax cheating.

Marami mang hamon sa pagbabayad at koleksyon ng buwis, mas marami namang natatakot na hindi maayos na magagamit ang binabayad nating buwis. Ayon nga sa isang speech ni Deputy Ombudsman Cyril Ramos noong Agosto 2019, maaring nawalan ang gobyerno ng halos P1.4 trillion dahil sa korupsyon noong 2017 at 2018. Ang perang ito, anya, ay maaring nagamit sana para sa pabahay ng maraming mamamayan o para sa medical o educational assistance.

Kapanalig, kailangan nating bantayan ang ating buwis. Kailangan natin masigurado na tunay na napupunta sa bayan ang mga buwis na pinaghihirapan nating lahat. Kailangan din na makita nating lahat na ang mga pampublikong serbisyo at mga imprastraktura ay hindi regalo mula sa mga pinuno ng bayan, mapa-lokal  man o nasyonal. Ang mga ito ay mula sa kolektibo nating pinaghirapan at binuo – ang buwis.

Ang buwis na ating binabayad sa pamahalaan ay dapat bumalik sa atin sa pamamagitan ng mga serbisyo, imprastraktura, at pro-poor na pamumuhunan o investments. Paalala nga ng Rerum Novarum, kapanalig, “The foremost duty, therefore, of the rulers of the State should be to make sure that the laws and institutions, the general character and administration of the country, shall be such as of themselves to realize public well-being and private prosperity.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 49,638 total reads

 49,638 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 136,138 total reads

 136,138 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 179,175 total reads

 179,175 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 228,934 total reads

 228,934 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 387,916 total reads

 387,916 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MAHIYA NAMAN KAYO

 49,639 total reads

 49,639 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 136,139 total reads

 136,139 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 179,176 total reads

 179,176 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 228,935 total reads

 228,935 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »
Scroll to Top