Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

San Isidro Labrador, lay empowerment model

SHARE THE TRUTH

 5,611 total views

Tiniyak ng pamunuan ng San Isidro Labrador Parish – Makiling na gagampanan ang tungkuling ipalaganap ang debosyon ni San Isidro Labrador sa pamayanan.

Ayon kay Fr. Francis Eugene Fadul, Kura Paroko ng parokya na kaakibat ng pagtanggap sa first class relic ng santo ang responsibilidad na ibahagi ito sa pamayanan upang makatulong sa pagpalago ng pananampalataya ng mamamayan.

Kabilang sa mga gagawin ng parokya ang pagbahagi ng buhay ni San Isidro upang higit makilala ang santo at maging huwaran sa pamayanan.

“Receiveing this relic, we also have the responsibility of sharing the devotion, nung nabasa ko ang kanyang buhay yun ang mga nakita ko na si San Isidro is a model of a faithful Christian; He is a model of lay empowerment kahit layko may magagawa ka sa simbahan.” pahayag ni Fr. Fadul sa Radio Veritas.

Matatandaang isa ang parokya ni Fr. Fadul sa dalawang simbahan sa Pilipinas na pinagkalooban ng first class relic ng santo mula sa Real Colegiata Iglesia de San Isidro sa Madrid Spain.

Sinabi ng Pari na bukod sa pagbabasbas ng mga ani na nakagawian sa pista ng santo tuwing May 15 ay pagyayabungin din ng parokya ang kawanggawa sa mga mahihirap at mga manggagawa kasabay ng katesismo tungkol sa mga gawain ni San Isidro Labrador.

“It is now our mission to help these workers and to share with them yung virtues ni San Isidro na hindi lang kayo nagtatrabaho para mabusog ang tiyan kundi yang pagtatrabaho nyo is also a means to become holy.” ani Fr. Fadul.

Ikinagalak ng pari na mapabilang ang parokya sa pinagkalooban ng relikya lalo’t naghahanda ito sa ika – 25 anibersaryo ng pagkatatag sa 2025.

Nagsagawa ng triduo ang parokya para sa mahalagang pagdiriwang ng simbahan na sinimulan noong 2022 kung saan nakabatay ang tema sa tatlong misyon ni Hesus: Pari, Hari at Propeta.

Makabuluhan ang pagdiriwang ng anibersaryo ng parokya lalo’t kasabay ito sa Jubilee Year ng simbahang katolika o ang Year of Hope.

Si San Isidro Labrador ay pumanaw noong November 30, 1172 at naging ganap na santo ng simbahan noong March 12, 1622 kasama nina San Ignacio de Loyola, San Francisco Javier, Santa Teresa ng Avila at San Felipe Neri.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NAGUGUTOM NA PINOY

 779 total views

 779 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 25,179 total views

 25,179 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 44,258 total views

 44,258 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 64,080 total views

 64,080 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Prayer Power

 110,476 total views

 110,476 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

Anak OFW formation program, mas pinalawak

 15,024 total views

 15,024 total views Pinuri ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang Archdiocesan Commission for Migrants and Itinerant People

Read More »

RELATED ARTICLES

“Wake up, people of this nation!”

 9,278 total views

 9,278 total views Ito ang masidhing panawagan ni Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga Pilipino kasunod ng magkakasunod na pananalasa ng mga mapaminsalang bagyo sa bansa.

Read More »
Scroll to Top