San Nicolas de Tolentino parish church, itinalagang ika-19 Minor Basilica ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,193 total reads

Hamon sa bawat mananampalataya at deboto na higit kilalanin at palalimin ang ugnayan sa Panginoon.

Ito ang mensahe ni Nueva Segovia Archbishop Marlo Peralta kasunod ng pagdeklara sa Minor Basilica ng parokya ni San Nicolas de Tolentino na Archdiocesan Shrine of Santo Cristo Milagroso de Sinait.

Ayon sa arsobispo, mahalagang maunawaan ng mananampalataya ang tunay na kahulugan ng pagkakapako ni Kristo sa krus alang-alang sa kaligtasan ng sanlibutan.

“Let’s go beyond the image [crucified Christ], mas mahalaga na maintindihan natin ang mensahe ni Hesus lalo na ngayong panahon ng pandemya kung saan lahat ay naghihirap; palalimin natin ang ating debosyon kay Hesus,” pahayag ni Archbishop Peralta sa panayam ng Radio Veritas.

Binigyang diin ng arsobispo na malaking biyaya ito sa mananampalataya sa arkidiyosesis at mga deboto lalo ngayong ipinagdiriwang ng bansa ang 500 Years of Christianity kung saan isa ang parokya ni San Nicolas de Tolentino sa mga itinalagang pilgrim churches ng arkidiyosesis.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Umaasa si Archbishop Peralta na samantalahin ng mga deboto ang pagkakataong mas kilalanin ang pananampalatayang kristiyano sa pamamagitan ng pagdalaw at pagninilay sa bagong minor basilica.

“Kailangang malaman ng mga tao na it is part of their deepening of faith na makikita at maiugnay ang paghihirap ng pandemya sa nakapakong Kristo; the value of suffering,” ani ng arsobispo.

Matatandaang ika-3 ng Mayo kasabay ng kapistahan ng Santo Cristo ay inanunsyo ni Archbishop Peralta ang minor basilica status ng simbahan na pinagluklukan ng imahe ng 400-year-old Santo Cristo Milagroso de Sinait.

Batay sa kasaysayan, natagpuan ang imahe sa dalampasigan ng Dadalaquiten sa pagitan ng Sinait Ilocos Sur at Badoc ng Ilocos Norte noong 1620.

Kasamang natagpuan ang imahe na Mahal na Birhen na kasalukuyang nakaluklok sa Badoc Ilocos Norte. Ang parokya ng San Nicolas Tolentino ay itinatag ng mga Agustinong misyonero noong 1574 at natapos taong 1598 isa sa kinikilalang pinakamatandang simbahan sa buong bansa.

Naniniwala si Archbishop Peralta na ang pagkilala sa Minor Basilica ng San Nicolas de Tolentino ay pagkilala ng Kanyang Kabanalan Francisco sa malalim na pananampalataya ng mga Ilocano.

“Ito rin ang isang pagkilala ng Holy Father sa malakas na pananampalataya ng mga Ilocanos,” dagdag ni Archbishop Peralta.

Nakatakda naman sa Setyembre 10, 2021 ang elevation ng minor basilica kasabay ng kapistahan ni San Nicolas de Tolentino ang patron ng parokya. Ito na ang ika – 19 minor basilica ng Pilipinas at ikapitong basilica na itinalaga ng Santo Papa mula ng manungkulan ito noong 2013

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 59,223 total reads

 59,223 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 155,437 total reads

 155,437 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 199,705 total reads

 199,705 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 222,814 total reads

 222,814 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 295,343 total reads

 295,343 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top