School supplies, natuklasang mayroong mataas na lead content

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 297 total views

Binalaan ng Ecowaste coalition ang mamamayan na maging maingat at suriing mabuti ang school supplies na bibilhin para sa nalalapit na pasukan.

Natuklasan ng grupo ni Anthony Dizon – Toxic School Supplies Campaigner sa kanilang pag-iikot sa ilang pamilihan na ilang produktong pang eskwela ay may mataas na lead content.

“Para sa nalalapit na pasukan tayo ay namili dito sa ating mga pamilihan sa Metro Manila, duon sa 75 piraso ng iba’t ibang klaseng kagamitang pang eskwela katulad ng bag, folder, mga lunch box, pati yung mga water container, sinuri natin gamit yung X-ray Fluorescent Spectrometer, at lumabas na 32 dun sa 75 na school supplies ay nagtataglay ng napakatataas na lead.” Pahayag ni Dizon sa Radyo Veritas.

Dahil dito, binalaan ni Dizon ang mga magulang na ingatan ang kanilang mga anak, dahil sa pag-aaral ng Ecowaste Coalition, ang Lead na Neuro Toxin ay pangunahing umaatake sa utak ng tao.

Pinabababa nito ang Intelligence Quotient, at bumabagal ang psychodevelopment ng batang na expose sa mataas na lead content.

Maaaring kakitaan ang mga bata ng pagiging balisa at matamlay sakaling makagamit ng kagamitang lagpas sa itinalagang lead content limit.

“Ang pangunahing inaatake nito ay yung utak, nagpapababa ito ng IQ at psycho development. Kaya nga yan yung ating inaabiso at may batas na tayo dito na kailangang sumunod at managot yung mga manufacturer at maging yung mga nagtitinda.” Pahayag ni Dizon.

Dahil dito, muling iginiit ni Dizon na mahalagang suriin ng mga magulang ang gamit pambata na kanilang bibilhin kahit walang X-ray Fluorescent Spectrometer, maaaring makita sa label o etiketa ang mga nakasaad na materyales na ginamit sa paggawa ng mga kagamitang pang eskwela.

Sa ulat ng grupo, 90 parts per million of lead ang itinalaga ng US Consumer Product Safety Improvement Act na ligtas para sa mga gamit pambata.

Subalit natuklasan na ilan sa mga bag na pambata sa mga pmapublikong pamilihan ay umabot sa 120,000 ppm of lead.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 94,292 total views

 94,291 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 117,451 total views

 117,451 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 138,725 total views

 138,725 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 301,572 total views

 301,571 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 295,117 total views

 295,117 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top