Segunda Mana charity outlet, binuksan sa Fairview Terraces Mall

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 684 total reads

Opisyal na binuksan sa Fairview Terraces Mall, Quezon City ang ika-27 Seguna Mana Charity outlet at kauna-unahan sa Diocese of Novaliches.

Ayon kay Novaliches Bishop Antonio Tobias na siyang nanguna sa pagpapasinaya ng pinakamalaking sangay ng Segunda Mana, isang magandang pagkakataon ang pagsasama ng Caritas Manila at Caritas Novaliches sa pagtataguyod ng iisang layuning makatulong sa mga dukha at maipakita sa publiko ang produkto ng mga maliliit na negosyante.

“Napakaganda ng konsepto ng Segunda Mana sapagkat yung iniisip natin na patapon na, walang kuwenta at nasa mga bodega na, ilagay natin sa Caritas Manila at ipagbibili sa mga tao dito sa Diocese and you will see na iba ang magiging epekto nito sa ating buhay. Kaya huwag nating sayangin ang ating mga patapon maski anong bagay ilagay natin dito para ayusin kaya nga Segunda Mana, aayusin lang tapos ipagbibili sa isang cost na afforadable sa mga mahihirap and also magkakaroon din sila ng mga gamit na akala natin ang mga mayayaman lang ang magkakaroon,” pahayag ng Obispo.

Ang pondong malilikom ng Segunda Mana Novaliches branch ay pangunahing susuporta sa pag-aaral ng 500 sa 5,000 mahihirap na scholars ng Caritas Manila sa ilalim ng Youth Servant Leadership and Education Program at tutugon sa mga pro-poor programs ng diyosesis tulad ng feeding program, educational assistance at drug rehabilitation.

Kaugnay nito ay lubos ang pasasalamat si Caritas Manila Executive Director Fr. Anton CT Pascual sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagbabahagi ng kanilang yaman upang makatulong sa mga kapus-palad at naisasantabi ng lipunan.

“Nagpapasalamat tayo sa Panginoon na binigyan tayo ng isang malaking Segunda Mana Charity Outlet dito sa Diocese of Novaliches to the courtesy of Mr. Fernando Zobel de Ayala. Dito po tayo sa Fairview Terraces Mall kung saan narito ang ating 150 square meter na napakalaking outlet na produkto ng mga donation sa atin ng mga tao na siyang ating tinitinda upang matulungan ang scholarship program ng Caritas Manila, matulungan ang ating mga micro entrepreneur at siyempre makatulong sa ating environmental care na itinataguyod ni Pope Francis,” ani Fr. Pascual

Tampok sa flagship outlet ang mga premium secondhand items tulad ng damit, bag at sapatos gayundin ang mga produkto ng Caritas Margins tulad ng handmade rosary, wallet at artworks na gawa ng nasa 900 micro entrepreneur partners ng Caritas Manila mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ipinapakita ng Segunda Mana ang pagsuporta ng Caritas Manila sa panawagan ng Santo Papa sa pagwawaksi ng kulturang patapon o “throw away culture” habang isinusulong ang environmental advocacy ng simbahan na reduce, reuse at recycle.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,216 total reads

 77,216 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,454 total reads

 155,454 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 188,901 total reads

 188,901 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,198 total reads

 224,198 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,640 total reads

 447,640 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 298,403 total reads

 298,403 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 409,272 total reads

 409,272 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top