Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage, pinagkalooban ng Golden Rose ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,930 total reads

Pinagkalooban ng Papa Francisco ang International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage ng Golden Rose o Rosa d’ Oro, ang pinakamataas na pagkilala ng santo papa sa isang Marian image o shrine.

Ito ang isa sa maraming pagkilala na ipinagkaloob ng Vatican sa Diocese of Antipolo kasunod ng pormal na pagdeklarang international shrine noong Enero.

“The Golden Rose is considered as the highest honor given personally by the Supreme Pontiff to a Marian image and shrine across the world as it is a commissioned gift from the Pope himself,” pahayag ng Antipolo Cathedral.

Sa pahayag ng Antipolo Cathedral ito ang kauna-unahang papal award na ipinagkaloob ng santo papa sa Marian shrine ng Pilipinas at buong Asya.

Matatandaang sa paninilbihan ni Pope Pius XII nag-alay ito ng Golden Rose sa himlayan ni St. Francis Xavier sa Se Cathedral na nagsilbing kauna-unahang simbahan sa Asya na pinagkalooban ng santo papa habang si Pope Paul VI naman ay nagkaloob ng papal award sa Church of Nativity in Bethlehem na sinundan ng kilalang Marian Shrines sa mundo.

“Thus, this gift to Antipolo is the first time that a Marian shrine in the Philippines and in the whole continent of Asia that has been given this honor,” anila.

Dahil sa paggawad ng Golden Rose sa mga dambana ang Antipolo Cathedral ang ikatlong simbahan sa Asya na nakatanggap nito at pang 43 sa buong daigdig.

Personal na inalay ni Archbishop Salvatore “Rino” Fisichella, Pro-Prefect ng Section on Fundamental Questions regarding Evangelization in the World ng Dicastery for Evangelization ang Golden Rose sa paanan ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje sa misa pasasalamat na ginanap sa Antipolo Cathedral nitong February 26.

Ang rosas na gawa sa purong ginto ay sinimulan pa noong Middle Ages at binasbasan ng santo papa tuwing Laetare Sunday o ikaapat na Linggo ng Kuwaresma sa pamamagitan ng pag-insenso sa balsam at musk at inilalagak sa gitna ng rosas na susundan ng pagbabasbas ng banal na tubig.

Maaring makatanggap ng mahigit sa isang beses ng Golden Rose ang isang dambana ngunit sa magkakaibang santo papa tulad ng Papal Basilica of Santa Maria Maggiore kung saan pinagkalooban ito nu Pope Francis ng Rosa d’ Oro noong December 8, 2023 ang ikatlong beses na paggawad sa dambana sapagkat pinagkalooban din ito ni Pope Julius III noong 1551 at Pope Paul V ng 1613.

Ito na rin ang ikasiyam na pagkakataong nagkaloob si Pope Francis ng Golden Rose sa Marian Shrines mula nang manilbihang santo papa noong 2013.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 48,570 total reads

 48,570 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 133,936 total reads

 133,936 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 180,671 total reads

 180,671 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 228,543 total reads

 228,543 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 330,178 total reads

 330,178 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top