Si Hesus ang Panginoon at Hari ng mga Hari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 603 total reads

Ito ang binigyang diin ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. kaugnay sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoong Hesus.

Ipinaliwanag ng Obispo na makabuluhan ang pag-akyat ni Hesus sa langit sa tahanan ng Diyos Ama sapagkat ito ang nagsisilbing tagapamagitan ng sangkatauhan sa Diyos.

“Dapat labis-labis nating ikatuwa ito sapagkat Siya’y umakyat sa langit upang mamagitan; always living to make intercessions for us sa harap ng Diyos Ama,” pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas.

Iginiit ni Bishop Bacani na dinidinig ng Diyos Ama ang pagsusumamo ni Hesus kung saan dinadala ang mga panalangin ng sangkatauhan at mabigyan ng katugunan ang bawat hinihiling ng tao.

Nasasaad sa Lucas kabanata 24 talata 50 hanggang 51, inilarawan dito ang pagbabasbas ni Hesus sa kanyang mga alagad kasabay ng unti-unting pag-akyat Niya sa langit habang napuspos ng Banal na Espiritu ang mga alagad nang magbalik sa Herusalem.

Binigyang diin ni Bishop Bacani na sa pag-akyat ni Hesus sa kaharian ng langit at pagluluklok sa kanan ng Ama ay katuparan sa Kanyang pangako na paghahari sa sanlibutan.

“Ikalawa ang ating Panginoon ay umakyat sa langit upang sa ganun ay maghari siya sa buong santinakpan; namatay at muling binuhay ayon sa sulat ni San Pablo sa mga taga Roma upang maging Panginoon ng mga patay at mga buhay,” ani ni Bishop Bacani.

Dahil dito, hinikayat ng Obispo ang 86 na milyong Katoliko sa Pilipinas na makiisa sa pagdiriwang ng Simbahan sa Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ni Hesus sa Langit sa pamamagitan ng pagdalo ng Banal na Misa sa ika- 2 ng Hunyo.(Norman Dequia)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 13,624 total reads

 13,624 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 99,986 total reads

 99,986 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 137,359 total reads

 137,359 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 168,619 total reads

 168,619 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 240,794 total reads

 240,794 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top