Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan, ikinasa ang matibay na depensa at mabilis na pagtugon sa kalamidad

SHARE THE TRUTH

 923 total views

Pinangunahan ni NASSA/Caritas Philippines national director Nueva Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona at Legazpi Bishop Joel Baylon ang pagsisimula ng 3-day 1st National Caritas Humanitarian Response Summit sa Legazpi City,Albay.

Ang summit ay dinaluhan ng 70-Social Action Center Directors ng Simbahang Katolika,Caritas Manila, Quiapo Church kasama ang apat na Caritas Internationalis member organization, ibat-ibang non-governmental organizations gayundin ang local government unit ng Albay, Sorsogon at Masbate.

Binigyan diin ni Archbishop Tirona na napakahalaga ng summit upang maging handa ang ibat-ibang social arms ng Simbahang Katolika sa larangan ng disaster preparedness,pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong mamamayan at pagtulong sa recovery at rehabilitation ng mga sinalanta ng man made at natural calamities sa ibat-ibang panig ng bansa.

Ayon kay Archbishop Tirona,kailangang maging prepared ang Simbahan sa pananalasa ng kalamidad at pagtulong sa kapwang nangangailangan.

Inihayag ng Arsobispo na napakahalagang magsama-sama at magkaroon ng kaalaman ang ibat-ibang institusyon ng Simbahan,mamamayan,mga NGOs at mga local government units kung paano kikilos at tutugon sa pananalasa ng sakuna.

“Alam natin na maging handa lalo na papasok ang la Niña, kailangang maging handa tayo, huwag nating sabihin na sanay na tayo sa mga bagyo,disaster.Kkailangan nating maging prepared na tumulong sa kapwa,kailangan nating magsama sama, makiisa sa pagtulong. Napakahalaga na meron tayong kaalaman kung paano tayo kikilos sa mga sakuna,” pahayag ni Archbishop Tirona sa Radio Veritas.

Palalakasin din sa summit ang Alay Kapwa program ng Simbahan.

Isasapinal sa summit ang sustainability road map ng Simbahan para sa mga mamamayang apektado ng sakuna.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Premyo para sa mga kaalyado?

 6,022 total views

 6,022 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 18,880 total views

 18,880 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 93,181 total views

 93,181 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 148,904 total views

 148,904 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 109,823 total views

 109,823 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Hindi pagdalo ng mga RP ng Kamara, binatikos

 14,506 total views

 14,506 total views Binatikos ng mambabatas sa Mababang Kapulungan ang hindi pagdalo ng mga inanyayahang resource person sa pagdinig ng House Tri-Committee kaugnay sa paglaganap ng

Read More »

Maghunos-dili at mag-isip-isip.

 95,627 total views

 95,627 total views Nawawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philipines (CBCP) sa mamamayan lalu na sa mga lider ng bansa na maghunos-dili at mag-isip-isip muna

Read More »
1234567