Mga katutubo sa Balabac, Palawan, nagpapasalamat sa CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,688 total views

Nagpapasalamat ang mga residente ng Mariahangin, Bugsuk sa Balabac, Palawan sa pagsuporta ng Simbahang Katolika, matapos maglabas ng pastoral statement ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mariing kinokondena ang sapilitang pagpapalayas sa mga residente ng isla para bigyang-daan ang planong luxury tourism project.

Ayon kay Bhebz Pelayo, isa sa mga residente ng Sitio Mariahangin, matagal na nilang hinintay ang ganitong suporta mula mismo sa mga kardinal at obispo.

Pinuri ni Pelayo ang pagsuporta ng Simbahan, hindi lamang sa panalangin, kundi pati sa konkretong tulong at presensya sa kanilang pakikipaglaban.

“Umaasa po kami na sa pamamagitan ng pahayag na ito, matauhan na po ang mga ahensya ng gobyerno na may mandato na tulungan kami. Sana po ay kumilos na sila para sa kapakanan ng buong komunidad,” ayon kay Pelayo.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Sally Bersabal, Head Servant ng Our Lady of Perpetual Help Chapel, lalo na kay Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, sa walang sawang panalangin at tulong sa pamayanan.

Binigyang-diin ni Bersabal na naging mahalagang sandigan para sa komunidad ang mga materyal na tulong mula sa Simbahan sa gitna ng kanilang pinagdaraanan.

“Maraming-maraming salamat po sa tulong at suporta ng kaparian, lalo na po kay Bishop Socrates Mesiona… Sa loob ng isang taon, hindi n’yo kami pinabayaan sa mga panalangin na mapaalis ang mga blue guards,” ayon kay Bersabal.

Sa pahayag ng kapulungan, sa pangunguna ni CBCP president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, nanawagan ang mga obispo sa Department of Agrarian Reform (DAR) at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na muling suriin ang mga land coverage notice at pabilisin ang pagbibigay ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) para sa mga Molbog at Cagayanen.

Para sa mga taga-Mariahangin, higit pa sa simbolo ang moral at espirituwal na suporta ng Simbahan na nagsilbing tunay na pag-asa at matatag na sandigan sa gitna ng pakikipaglaban.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 86,543 total views

 86,543 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 109,702 total views

 109,702 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 130,976 total views

 130,976 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 294,561 total views

 294,561 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 2,081 total views

 2,081 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top