Simbahan, makikilakbay sa mga dumaranas ng same sex attraction

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 435 total reads

Sikaping ipadama ang pagmamahal at makilakbay sa mga taong nakararanas ng same sex attraction.

Ito ang panawagan ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Family and Life sa isinagawang conference na Courageous Love: Journeying towards Christ with Persons who experience Same Sex Attraction, sa Layforce Chapel, San Carlos Seminary noong ika-1 ng Agosto.

Ayon sa Arsobispo, layunin ng pagtitipon na paigtingin ang aksyon ng simbahan sa pagsama at pakikilakbay sa mga nakararanas ng same sex attraction.

Bagamat nananatili itong hamon sa lahat, sinabi ni Abp. Garcera na nagsusumikap ang simbahan na ipadama ang pagmamahal at maranasan ng mga indibidwal na ito na sila ay kabilang at hindi malayo ang simbahan.

“Ginagamit natin yung sinasabi ni Pope Francis na Pastoral accompaniment.Tamang tama na ngayon ay Year of the Youth at may mga kabataan last year mayroon silang sulat sa atin at sinasabi nila we want to belong, to be recognized, at itong ginagawa natin ngayong Courage Program ay pagkakataon na marinig sila, matanong ang ating sarili specially the church, how can we accompany these people? Tamang tama [itong conference] in response to their appeal that they belong, they want to share, they want to be listened to, eto na yon.” pahayag ni Abp. Garcera sa Radyo Veritas.

Nilinaw naman ng Arsobispo ang mariin paring pagtutol ng simbahan sa pagsasama ng mga taong pareho ang kasarian.

Sinabi ni Abp. Garcera na minamahal at tinatanggap ng simbahan ang mga taong dumaraan sa pagsubok na ito, kaya naman tutulungan din sila na makapamuhay ng malinis at moral.

Ipialiwanag din niya ang kasagraduhan ng sakramento ng pag-iisang dibidb na tanging para lamang lalaki at babae.

“On the part of the church kinakailangan makita natin na even si Pope Francis would say No to same sex marriage, very clear yan sa amoris laetitia, na sinasabi na napakahirap ihambing ang tinatawag na same sex union sa real sacrament of marriage which is between man and woman.” pahayag pa ng Arsobispo.

Dahil dito, tiniyak ni Abp. Garcera na magpapatuloy ang simbahan sa pakikilakbay sa mga taong may same sex attraction upang matulungan ang mga ito na makilala ang kanilang tunay na katauhan.

Bagamat mayroon nang 30 bansa sa buong mundo na nagsalegal ng same sex union, binibigyang diin sa encyclical na Amoris Laetitia, na kailan man ay hindi maihahalintulad o magiging kapantay ng same sex union ang sakramento ng kasal na nilikha ng Diyos para lamang sa lalaki at babae.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 19,354 total reads

 19,354 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 105,091 total reads

 105,091 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 142,463 total reads

 142,463 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 173,723 total reads

 173,723 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 245,694 total reads

 245,694 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 377,197 total reads

 377,197 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top