Mga kritiko ng pangulong Duterte, hindi dapat ituring na subersibo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 461 total reads

Hindi dapat na ituring na mga subersibo o mapanghimagsik ang mga indibidwal na nagnanais lamang na maisulong ang pangkabuuang pag-unlad, kapayapaan at katarungan sa bayan.

Ito ang pagninilay ni Archdiocese of Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma – Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations kaugnay sa kontrobersyal na kasong sedisyon na isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa 35-indibidwal na kinabibilangan ng ilang mga Pari at Obispo ng Simbahang Katolika.

Paliwanag ng Arsobispo, hindi dapat na bigyan ng ibang pakahulugan ng pamahalaan ang pagnanais ng ilang indibidwal at maging ng mga lingkod ng Simbahan na maisulong ang pagkakaroon ng tunay na pag-unlad sa lipunan kasabay ng pagnanais ng kapayapaan at katarungang panlipunan.

“Well that is definitely not true saka we know that yung mga pagkilos ng ilang mga tao doon is really for peace and justice and to bring about authentic development for our society so let us not say that they are subversives but they are really for the development of the country…”pahayag ni Archbishop Ledesma sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang binigyang diin ng Arsobispo na walang kredibilidad ang testigo na nagdadawit sa iba’t ibang personalidad at ilang mga opisyal ng Simbahan sa planong destabilisasyon laban sa pamahalaan.

Read: Bikoy, tinaguriang “fake news” ng Arsobispo

Nauna na ring ipinagtanggol at nagpahayag ng suporta ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas at si Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Davao Archbishop Romulo Valles sa ilang obispo at pari sa pagkakasangkot sa nasabing kaso at ipananalangin ang pag-iral ng katarungan at katotohanan sa lipunan.
Nagpalabas din si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ng panalangin ng suporta sa mga inuusig na pari at Obispo.

Read: Panalangin ni Cardinal Tagle sa mga inuusig, pagkakaisa at kapayapaan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 1,089 total reads

 1,089 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 40,682 total reads

 40,682 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 76,321 total reads

 76,321 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 302,591 total reads

 302,591 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 196,000 total reads

 196,000 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top