CHR tutol sa martial law sa Negros Islands

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 527 total reads

Ang maayos na lipunan ay nangangailangan ng mga mamamayang kumikilala at sumasabuhay sa taglay na dignidad at karapatan ng bawat isa.

Ito ang paalala ng Encyclical ni Pope John the 23rd noong 1963 na Pacem in Terris sa pagkakaroon ng maayos at mapayapang lipunan.

Sa ganitong konteksto ay nagpahayag na ng pagkabahala ang Commission on Human Rights kaugnay sa patuloy na pagtaas ng bilang ng karahasan at napapaslang sa lalawigan ng Negros.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, lubos na nakababahala ang sitwasyon sa lalawigan ng Negros kung saan sa loob lamang ng halos isang linggo ay nasa 21-indibidwal na ang naiulat na pinaslang.

Kinumpirma ni Atty. De Guia na naglunsad na rin ng imbestigasyon sa lalawigan ang central at regional office ng CHR upang maimbestigahan ang lahat ng mga kaso ng pagpaslang kabilang militarisasyon sa lalawigan.

Umaapela naman si Atty. De Guia sa mga pulis sa lalawigan upang pahintulutan at makipagtulungan sa CHR investigators upang magkatuwang na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng lahat ng mga biktima ng pagpaslang sa Negros Occidental at Negros Oriental.

“Investigators from CHR coming both from its central and regional offices have been deployed to Negros to investigate these killings, involving police officers, a lawyer, educators, and even a child. Every motive is being pursued, especially that allegations of the government and communist rebels being accountable for the executions are being floated. In the end, the final determination of the truth behind these cases can be ferreted out through an objective investigation. We then ask the PNP to allow cooperation with CHR investigators on the ground, specifically for requests for cases’ information, so we can both serve justice to the families and loved ones left behind due to these senseless killings.”pahayag ni de Guia.
Samantala, binigyang diin naman ni Atty. De Guia na hindi dapat na gamiting dahilan ang sitwasyon upang magdeklara ng Martial Law sa lalawigan.

Iginiit ni De Guia na hindi dapat maging normal o makasanayan ng mamamayan ang pagpapatupad ng batas militar sa bansa na batay sa konstitusyon ay dapat na ipatupad lamang kung may rebelyon, paglusob o invasion at kung talagang kinakailangan ito para sa kaligtasan ng publiko.

Naunang umapela si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag magdeklara ng Martial Law sa Negros island sapagkat hindi ito makatutugon sa suliranin sa lalawigan.

Read: Simbahan, natatakot sa militarisasyon sa Negros island

Naglabas din ng panalangin si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle para sa kapayapaan at katotohanan.

Read: Panalangin ni Cardinal Tagle sa mga inuusig, pagkakaisa at kapayapaan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 39,314 total reads

 39,314 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 75,017 total reads

 75,017 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 301,287 total reads

 301,287 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 194,755 total reads

 194,755 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 286,674 total reads

 286,674 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top