CBCP, naglabas ng Solidarity Prayer para sa mga inuusig na obispo at pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 642 total reads

Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya (CBCP) na magkaisa sa pananalangin para sa mga lingkod ng simbahang inuusig dahil sa paninindigang itaguyod ang katotohanan sa lipunan.

Sa inilabas na pahayag ni CBCP-president, Davao Archbishop Romulo Valles, hinikayat nito ang lahat ng mga diyosesis sa bansa na ilakip sa mga panalangin ang mga Obispo at Pari na kabilang sa sinampahan ng kasong sedisyon.

“Let us be in solidarity with them in prayer. Let us invite our priests, our religious, our people to join us in this solidarity prayer,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Valles.

Ayon sa arsobispo, ito ay bilang pakikiisa upang maipadama ang suporta at malasakit ng sambayanan sa kanilang kinakaharap na pagsubok.

“Let us pray for them, our brother bishops, and beg the Lord to let them feel that they are indeed his beloved disciples and that they are beloved to us, their brother bishops,” ayon pa kay Archbishop Valles.

Kabilang sa tinukoy ng Arsobispo ang mga misa sa kapistahan ng Pagbabagong-anyo ng Panginoong Hesukristo na ipagdiriwang ng Simbahang Katolika sa ika-6 ng Agosto at sa paggunita ng dakilang kapistahan ng Pag-akyat sa langit ng Mahal na Birheng Maria sa ika-15 ng Agosto.

“Let us entrust tem to the maternal protection of the Mother of God, the Mother of Jesus, and who is our Mother too,” ayon kay Archbishop Valles.

Naglabas naman ng Panalangin ng Bayan ang Arkidiyosesis ng Maynila na babasahin sa lahat ng misa tuwing Linggo sa buong buwan ng agosto na magsisimula bukas ika-4 ng Agosto ang kapistahan ni St. John marie vianney ang patron ng mga pari.

Read: Panalangin ni Cardinal Tagle sa mga inuusig, pagkakaisa at kapayapaan

Una nang nanawagan si Bontoc Lagawe Bishop Valentic Dimoc sa mananampalataya lalu ang mga Basic Ecclesial Communities (BEC) na magsagawa ng solidarity prayer para sa mga pastol ng simbahan.

Read: Time to respond!

Iginiit ni Bishop Dimoc na pinagpapala ang mga iniuusig at maling pinaparatangan dahil ang mga ito ay tatanggap ng gantimpala sa kalangitan.

Kabilang sa 35 indibidwal na nahaharap sa kasong sedisyon sina Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Kaloocan Bishop Pablo Virgilio David, Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Novaliches Bishop – Emeritus Teodoro Bacani Jr., Fr. Robert Reyes, Fr. Flaviano Villanueva at Fr. Albert Alejo.

Itinakda ng pamahalaan sa ika-9 ng Agosto ang isasagawang preliminary investigation hinggil sa isinampang kaso at tiniyak ng Department of Justice na magkaroon ng patas na pagdinig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 17,105 total reads

 17,105 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 103,083 total reads

 103,083 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 140,455 total reads

 140,455 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 171,715 total reads

 171,715 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 243,770 total reads

 243,770 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top