VeritasPH

The Word, The Truth

Bishop David, nagpasalamat sa pakiisa at suporta

SHARE THE TRUTH

 134 total views

Nagpasalamat si CBCP-vice president, Kaloocan Bishop Pablo Virgilio David sa mananampalatayang nakiisa sa isinagawang prayer vigil bilang pagpakita ng suporta sa hamong kinakaharap ng obispo at ilan pang mga lingkod ng simbaan.

Ayon kay Bishop David naging makatotohanan ang tugon ni Hesus sa kanyang mga panalangin na hindi ito nag-iisa sa gitna ng mga pagsubok bilang pinunong pastol sa mahigit isang milyong mananampalataya ng Diyosesis ng Kaloocan.

“Salamat sa lahat ng dumalo sa “Prayer Vigil” na ito mula sa iba’t ibang mga parokya, eskwelahan at mga “mission stations” ng ating diocese, sa inyong malasakit sa akin bilang inyong obispo sa panalangin, naramdaman ko talaga ngayong gabi na HINDI NGA PALA AKO NAG-IISA,” bahagi ng pahayag ni Bishop David.

Nababahala rin si Bishop David sa pagkadawit ng kanyang pangalan sa 36-kataong kinasuhan ng kasong kriminal ng Department of Justice kung saan unang isinampa ng PNP-CIDG ang sedition case kaugnay sa pagpakalat ng videong ‘Ang Totoong Narcolist’.

Sa pahayag ni Peter Joemel ‘Bikoy’ Advincula idiniin nitong mga taga-oposisyon at ilang lingkod ng simbahan ang nasa likod ng pagpakalat ng videong nag-uugnay sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot sa Pilipinas.

Ayon pa kay Bishop David, bukod sa kasong sedisyon, isinampa rin ng DOJ ang inciting to sedition, estafa, cyber-libel at obstruction of justice.

Binigyang diin ng ikalawang pangulo ng kalipunan ng mga Obispo na kasalukuyang nahaharap sa epidemya ng depresyon ang lipunan na dulot ng pagkabahala, karahasan, pang-aabuso at kawalan ng pag-asa dahil sa karukhaan kaya’t mahalaga bilang pastol ng kawan ng Diyos na patuloy manindigan para sa kabutihan ng nakararami kahit ito’y may kaakibat na panganib.

“Tayo rin nawa, katulad ng ating mahal na Patron [San Roque], ay tumugon nang may malasakit, kahit pa ito’y ating ikapahamak,” ani ng Obispo.

Ibinahagi pa ni Bishop David na patuloy itong nakipagtulungan sa pamahalaan sa pagpatupad ng mga programang nakabubuti sa mamamayan katulad ng edukasyon, disaster-response program, environmental protection program, malnutrition mitigation program, urban poor resettlement program, mental health program, at ang ating community based drug rehabilitation program.

SUPORTA NG BUONG DIYOSESIS

Sa opisyal na pahayag ng diyosesis na binasa ni Fr. Jerome Cruz ang Vicar General ng diyosesis mariin nitong kinondena ang mga maling paratang laban kay Bishop David.

“It is to the highest degree that we condemn any effort of anyone to besmear the integrity and dignity of our shepherd Bishop Pablo Virgilio S. David,” bahagi ng opisyal na pahayag ng diyosesis.

Nanindigan ang diyosesis na ang kanilang pinunong pastol ay tulad ni Hesus na naging tinig sa mga maliliit sa lipunan, nagpapahayag lamang ng katotohanan para sa kapakinabangan ng mamamayan, nagtatanggol at nagpapahalaga sa dignidad ng buhay.

Bilang tinig sa mga pilit pinatatahimik ng karahasan, mga naulilang pamilya dahil biktima ng giyera kontra droga at lumilingap sa mga naiwang maybahay at mga kabataang nawalan ng magulang.

Sinabi pa sa pahayag na hindi kailanman nakikisangkot ang kanilang obispo sa anumang banta ng destabilisasyon laban sa pamahalaan.

“We denounce any attempt to link our shepherd to any allegation of destabilization of government that has been labeled against him.”

Giit ng diyosesis na ang mga kasong isinampa kay Bishop David ay pawang kasinungalingan at walang sapat na basehan maging si Hesus ay alam ang tunay na adhikain ng Obispo na isinasabuhay ang mga gawain at misyon ng Panginoon sa paglilingkod sa pamayanan ng Diyos.

Naniniwala ang mamamayan na mangingibabaw ang katotohanan sa gitna ng mga pagsubok na kinakaharap ng ilang mga lingkod ng simbahang katolika.

“Our prayers and sacrifices are directed to the noble intention that truth, justice, peace and above all God’s love may reign supreme in every heart and in our nation.”

Nauna nang nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mananampalataya na magkaisang manalangin bilang suporta at pakikiisa sa mga pastol ng simbahang kabilang sa kinasuhan ng sedisyon.

Read: CBCP, naglabas ng Solidarity Prayer para sa mga inuusig na obispo at pari
Panalangin ni Cardinal Tagle sa mga inuusig, pagkakaisa at kapayapaan

Maging si Bontoc Lagawe Bishop Valentin Dimoc at Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle ay nagpahayag ng pakikiisa at hinimok ang bawat isa na mag-alay ng mga panalangin para sa mga lingkod na inuusig sa pamamagitan ng mga maling paratang dahil sa paninindigan sa katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 918 total views

 918 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 8,454 total views

 8,454 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 24,440 total views

 24,440 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 32,485 total views

 32,485 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 37,565 total views

 37,565 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mag-asawa, hinimok na maging huwaran sa mga anak

 676 total views

 676 total views Hinimok ng Archdiocese of Cebu Commission on Family and Life ang mga mag-asawa na magsilbing huwaran sa lipunan lalo na sa kabataan upang maisakatuparan ang habambuhay na pagsasama. Sa ginanap na ikawalong Archdiocesan Couples’ Day kasabay ng kapistahan nina Saints Louis at Zelie Martin ang magulang ni St. Therese of the Child Jesus,

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Kapayapaan, patuloy na ipinagdarasal ni Pope Francis

 750 total views

 750 total views Patuloy na ipinapanalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kaayusan at kapayapaan ng buong daigdig. Sa Angelus na pinangunahan ni Pope Francis hiniling nito ang pamamatnubay ng Mahal na Birheng Maria para sa kahinahunan ng puso ng mga biktima ng karahasan sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito rin ay kaugnay sa pagdiriwang ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa ika-5 AACOM

 3,843 total views

 3,843 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Cebu ang mananampalataya na makiisa sa ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, magandang pagkakataon ang pagtitipon upang magbuklod ang mananampalataya sa pag-asang dulot ng habag at awa ng Panginoon na ipinapadama sa sangkatauhan. “To hope is to believe in something good. But

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Day of prayer for WPS, isasagawa ng Archdiocese of Lingayen Dagupan

 3,851 total views

 3,851 total views Maglulunsad ng Day of Prayer for the West Philippine Sea ang Social Action Ministry ng Archdiocese of Lingayen Dagupan sa Pangasinan. Ito ang hakbang ng arkidiyosesis para isulong ang mapayapang pagresolba sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Ipinabatid ng St. John the Evangelist Parish sa Infanta Pangasinan na mahalagang palakasin

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inanyayahan sa National Fatima convention

 4,392 total views

 4,392 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima of the Philippines ang mananampalataya na lumahok sa isasagawang National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion. Isasagawa ito sa December 10, 2024 sa Mary Mother of Hope Chapel ng Landmark Trinoma sa Quezon City. “Marian devotees, members of church organizations (Fatima and

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Isabuhay ang halimbawa ng Birhen ng Antipolo, habilin ng Obispo sa mga deboto

 4,424 total views

 4,424 total views Nagpasalamat si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga debotong nakiisa sa pilgrimage season ng diyosesis sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Sa pagatatapos ng Ahunan sa Antipolo nitong July 9,binigyang diin ng obispo ang paalalang bukas-palad na tinanggap ng Mahal na Birhen ang bawat debotong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Aplikasyon na maging international shrine ang national shrine of St. Padre Pio, suportado ng CBCP

 5,454 total views

 5,454 total views Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang hakbang ng Archdiocese of Lipa na maging international shrine ang National Shrine of San Padre Pio sa Santo Tomas Batangas. Sa ginanap na press conference ibinahagi ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na sinang-ayunan ng buong kalipunan ang aplikasyon ng pambansang dambana

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Cagayan de Oro, nagpapasalamat sa matagumpay na 128th-CBCP plenary assembly

 5,594 total views

 5,594 total views Nagpasalamat ang Archdiocese of Cagayan De Oro sa Panginoon sa paggabay sa matagumpay na makasaysayang pagtitipon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Mindanao. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, biyaya ng Diyos ang pagkakataong ibinigay ng CBCP sa arkidiyosesis na pangasiwaan ang pagtitipon ng mga pastol ng simbahang katolika sa bansa. “We

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pastoral exhortation sa 5-dekada ng Alay Kapwa Program, hiniling ng Caritas Philippines sa CBCP

 5,601 total views

 5,601 total views Isinusulong ng Caritas Philippines sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpapalabas ng pastoral exhortation sa ikalimang dekada ng Alay Kapwa program ng simbahan. Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na mas pinalawak nito ang programang Alay Kapwa upang higit na makapaglilingkod sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 national shrines, itinalaga ng CBCP

 5,905 total views

 5,905 total views Inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagtalaga ng national shrine ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy sa Novaliches Quezon City at Diocesan Shrine of Our Lady of Assumption o Maasin Cathedral sa Leyte. Ginawa ang pag-apruba sa dalawang national shrines sa bansa sa unang araw ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 paring Cebuano, itinalaga ni Pope Francis sa Vatican

 8,283 total views

 8,283 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ang dalawang Cebuanong pari sa mga tanggapan ng Holy See sa magkakaibang lugar. Inihayag ng Archdiocese of Cebu ang pagtalaga ni Pope Francis kay Msgr. Jan Thomas Limchua bilang Counselor of the Apostolic Nunciature ng Kingdom of The Netherlands habang Attache ng Apostolic Nunciature of Ivory Coast naman

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Panalangin, hiling ng Obispo sa ika-128 CBCP plenary assembly

 8,799 total views

 8,799 total views Humiling ng panalangin ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa matagumpay na pagpupulong ng mga obispo sa Archdiocese of Cagayan de Oro. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino chairperson, Antipolo Bishop Ruperto Santos, mahalaga ang panalangin ng mananampalataya para sa makabuluhan at mabungang pagtitipon na makatutulong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagpapanibago ng puso ng mga taong nagsusulong ng digmaan, panalangin ni Pope Francis

 9,514 total views

 9,514 total views Hiniling ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus ang pagpapanibago ng puso ng mga taong patuloy na nagsusulong ng digmaan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ito ang bahagi ng panalangin ng santo papa sa lingguhang general audience sa Vatican sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo na tinaguriang Sacred Heart of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Parangalan si Pope Francis, panawagan ng Papal Nuncio sa mananampalataya

 12,352 total views

 12,352 total views Inaanyayahan ng opisyal ng Vatican ang mga Pilipinong makiisa sa taunang pagdiriwang ng Pope’s Day sa June 29, 2024. Sa panayam ng Radio Veritas kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, inihayag nitong ito ang pagkakataong gunitain sa pamamagitan ng panalangin ang malaking tungkulin na ginagampanan ng santo papa sa simbahang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan

 13,703 total views

 13,703 total views Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan sa lipunan. Ito ang pagninilay ng cardinal sa paglunsad ng Rosas ng Sampiro Festival sa Makati City nitong June 23, 2024. Ayon sa arsobispo, tulad ng Mahal na Ina na buong tapang na nanatili sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top