Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan, nagpagawa ng transitional houses sa mga biktima ng lindol sa Mindanao region

SHARE THE TRUTH

 8,294 total views

Itinakda ng Caritas Philippines ang initial turn-over ng transitional houses para sa mga survivors sa naganap na sunod-sunod na lindol sa Mindanao region.

Ayon kay Caritas Philippines National director, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ito ay isasagawa sa ika-19 ng Pebrero para sa may 100 pamilya na nasira ang mga tahanan at hindi na maaring bumalik sa kanilang lugar dahil na rin sa fault line.

“Ang simbahan naman through NASSA, Caritas ay nagpapagawa tayo ng transitional shelters. Meron tayong mga identified na lugar malapit sa mga original houses ng mga biktima na nasira ang kanilang mga bahay,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Inihayag naman ng obispo na ang mga bahay na ito ay pansamantala lamang dahil wala pang lugar na maaring paglipatan at hindi pa nila pag-aari ang mga lupang pinagtayuan ng mga bahay.

Target din ng Caritas Philippines o CBCP-NASSA na makapagpatayo ng 600 transitional houses na nagkakahalaga ng 40-50 libong piso ang bawat bahay.

“Fifty percent ay nakabalik na sa kanilang bahay, communities pero marami pa rin ang nasa evacuation centers,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Tinatayang higit sa isang libong pamilya ang nagsilikas at pansamantalang nanatili sa evacuation centers dahil sa naganap magkakasunod na paglindol sa ilang bahagi ng Mindanao noong Oktubre ng nakalipas na taon.

Read: CBCP, naglabas ng urgent appeal para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

Tinatayang may 40 katao ang nasawi sa magkakasunod na lindol kung saan naitala ang tatlong malalakas na pagyanig sa magnitude 6.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 49,457 total views

 49,457 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 79,538 total views

 79,538 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 93,425 total views

 93,425 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 111,740 total views

 111,740 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 6,310 total views

 6,310 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 82,512 total views

 82,512 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 108,326 total views

 108,326 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 143,863 total views

 143,863 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567