Simbahan ng Cotabato, hinikayat ang mamamayan ng Maguindanao na makibahagi sa plebisito

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 926 total reads

Muling nanawagan ang simbahan ng Cotabato sa mamamayan ng Maguindanao na makibahagi sa plebisito sa September 17.

Ang plebisito ay kaugnay sa paghahati ng Maguindanao bilang dalawang bahagi- ang Maguindanao Del Norte at Maguindanao Del Sur.

Ayon kay Cotabato Archbishop Angelito Lampon, mahalaga ang pakikilahok ng mamamayan Maguindanao upang matiyak ang matapat na resulta ng plebisito at mapakita ang tunay na nais ng pamayanan.

“My message is, go out and participate for the sake of a credible and democratic division of North and South Maguindanao.” Ang bahagi ng pahayag ni Cotabato Archbishop Angelito Lampon sa Radio Veritas.

Paliwanag ng Arsobispo, bagamat maituturing na pormalidad na lamang ang plebisito dahil sa kawalan ng malinaw na oposisyon sa paghahati sa lalawigan ay mahalaga pa rin na maibahagi ng mamamayan ang kposisyon at pananaw para sa Maguindanao.

Pagbabahagi ni Archbishop Lampon, mas higit na nakababahala ang susunod na magiging hakbang matapos ang paghahati sa lalawigan lalo na ang proseso sa pagpili o paghahalal ng mga bagong magsisilbing lider ng hahatiing lalawigan ng Maguindanao.

“After the division of Maguindanao yan ang mas delikado. Who will be the next set of leaders? Will they be elected or appointed?” Ayon kay Archbishop Lampon.

Umaasa naman ang Arsobispo na maging mapayapa ang isasagawang plebisito.

“BARMM Comelec and PNP have designated PNP check points all over Maguindanao Province. The plebiscite will be peaceful.” Pahayag pa ni Archbishop Lampon.

Bahagi ng nasasakupan ng Archdiocese of Cotabato ang mga probinsya ng Cotabato, Sultan Kudarat at Maguindanao.

Batay sa tala may 939,011 registered voters ang Maguindanao na may karapatang bumuto sa nakatakdang plebisito.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika, hindi dapat balewalain ang kasagraduhan ng pagboto bilang isang mahalagang sangkap ng demokrasya at unang hakbang para sa pagbabago ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 66,982 total reads

 66,982 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 102,632 total reads

 102,632 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 137,932 total reads

 137,932 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 364,202 total reads

 364,202 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 253,819 total reads

 253,819 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top