SJAM, ilulunsad ng Diocese of Baguio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 957 total reads

Iliulunsad ng Our Lady of the Atonement Cathedral ng Diyosesis ng Baguio ang saints Joachim and Anne Ministry (SIAM) sa July 24, 2021.

Batay sa Circular 07 – 2021 ng diyosesis naitatag ang grupo nang magsimula ang coronavirus pandemic para suportahan ang pangangailangan ng mga lolo, lola at nakatatanda sa lipunan.

Ito rin ay magandang pagkakataon lalo’t ipagdiriwang ng simbahan sa July 25 ang kauna-unahang World Day of Grandparents and Elderly alinsunod sa kautusan ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Tema sa pagdiriwang ang ‘I am with you forever’ kung saan hinimok ni Bishop Victor Bendico ang mga simbahang nasasakupang na magsagawa ng mga programang angkop sa programa.

“If opportunity and inspiration provide, kindly organize a meaningful activity for our Grandparents and Elderly,” bahagi ng liham circular ni Bishop Bendico.

Iniatas din ng obispo sa mga parokya na dasalin ang panalangin para sa mga nakatatanda na inihanda ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines pagkatapos ng komunyon.

Bukod pa rito hinikayat din ni Bishop Bendico ang mga parokya na lumikha ng ministry na nakatuon sa matatanda ng komunidad tulad SIAM para pangalagaan ang kanilang pangangailangan.

Kaugnay sa paglulunsad ng SIAM magsisimula ang mga gawain alas otso ng umaga habang alas onse naman ang banal na misa na pangungunahan ng obispo.

Mahigpit pa ring ipatutupad ng diyosesis ang safety health protocol para sa kaligtasang pangkalusugan ng mamamayan lalo na ng matatanda na lubhang mapanganib mahawaan ng COVID-19.

Una nang kinilala ni Pope Francis ang mga matatanda sa lipunan bilang katuwang ng simbahan sa pagpapadaloy ng pananampalataya hanggang sa susunod na henerasyon.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 450 total reads

 450 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 5,048 total reads

 5,048 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 43,108 total reads

 43,108 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 269,379 total reads

 269,379 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 162,844 total reads

 162,844 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 256,603 total reads

 256,602 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top